Tuesday, 31 January 2006
MEMORANDUM OF AGREEMENT
Manood po kayo ng play ko sa February 21,22 and 23. Ang isinulat ko pong play ay Memorandum of Agreement. Tungkol po siya sa apat na magkakaibigan na pumunta sa isang birthday party. Sa gitna ng kanilang kalasingan at paghahanap ng keso lumabas ang mga intensyon at saloobin ng lahat sa bawat isa.
Meron din po pala akong play kung saan ako naman ay aarte bilang isang babaeng namatayan ng asawa sa "Abuloy". Ito po ay gaganapin sa Rizal Conference Hall ng UST AB Building. Ito po ang ika-25 anibersaryong handog ng aming theatre guild noong kolehiyo ang Artistang Artlets.
I-share ko lang ang playwright's note ko:
MEMORANDUM OF AGREEMENT
By Geng delosReyes
Marunong po ako ng grammar at magaling po ako mag-english. Anak ako ng isang writer at isang sekretarya. Pero hindi po ako writer at hindi po maganda ang handwriting ko.
Paano ako nakasulat ng play?
Mahilig ako sa drama. Gusto ko ng away. Gusto ko ng masikip ang damdamin. Gusto ko ng may kinikimkim at isasabog na lang sa pamamagitan ng salita. Mahal na mahal ko ang dialogue. Mahilig akong umarte sa salamin at bilangin ang tulo ng aking luha. At dahil sa hilig ko ng mga ganyan nagbuo ako ng mga eksena mula sa apat na tao. Ipinanganak si Arlene, Chiqui, Cromwell at Park. Walang anesthesia yan.
May istorya na at mga tauhan pero paano mo tatapusin ang play? Ang 10 pahinang first draft ko ng Memorandum of Agreement ay umabot ng higit pa sa 20 pages dahil sa sinabi sa amin ng aming facilitator na si Rody Vera. Feel the pain of your character.
Pain. Gusto ko yan. Nakagawa ako ng isang one act play based on the pain of my characters. Ang sarap. Catharsis. Habang tina-type ko ang script sa computer ng tatay ko, binabasa ko siya ng malakas at inaalam ko kung saan ba nanggaling yun? Bakit niya nasabi iyon? Asan ang pain doon?
Pero ang theme namin ay love. But love is pain and pain is love. Love becomes desirable because of pain. Pain makes you feel alive and that is Love.
Sabi nila ang first play mo daw ang baby mo. Ang representation ng sarili mo. Kaya kapag hinati mo sa apat ang ang katawan ko at nag-regenerate sila. Ako si Arlene, Chiqui, Park at Cromwell.
Ito ako. Ito ang mga pag-ibig ko.
Thursday, 19 January 2006
ITO NA NGA ATA YUN...
Kanina lang habang nagrere-search ako ng magandang love story para sa aming show, nakabasa ako nung webpage ng mga Amerikanong mahilig mag-asawa ng mga Pilipina. May isang kwento dun ng isang American soldier noong world war 2 at ang isang laundrywoman ng kanilang camp. Kung paano sila nagkakilala... nagkagustuhan... nagkahiwalay dahil sa war... tapos sinusulatan ng Amerikano yung Pilipina... Natanggap kaya niya? Naisip kaya nung babae na baka isa lang siya sa mga Amerikanong malungkot at mahilig makipag-relasyon sa PInay? Asan na kaya yung girlfriend niya noon? Baka may pamilya na... Naisip kaya ng babae na pilit siyang hinanap ng Amerikano? Baka naman namatay yung babae matapos ang war? Nawala ba niya yung address? Nakarating ba ang mga sulat? Ang ganda ng storya... Ang sakit... Baka hindi lang talaga para sa isa't isa at ayaw sila pagtagpuin... Sabi nung AMerikano napaka-painful daw ng romance na iyon... parang nag-hang ang love... parang nasa limbo... walang closure... its very helpless dahil it either won't grow or even die a natural death...
And then naisip ko ang akin.
Ito na nga ata yun. Hindi na siguro lingid sa kaalaman ng marami at ilan sa aking mga kaibigan maging sa aking poodrahbel na ang taong mahal ko ngayon ay isang foreigner. Isang French. Hindi naman ako mahlig sa lalaki lalo na't sa foreigner. Nung nagkakilala kami ang tingin ko sa kanya ay foreigner na mahilig lang sa mga maiitim na Pilipina, although di naman ako mukhang katulong noon.Nung nagka-usap na kami hindi na foreigner ang tingin ko sa kanya kundi lalaking mahilig makipag-kwentuhan in English. Sino ba naman mag-aakala na mai-inlove ako sa kanya? Siya na marahil ang pinaka-matagal kong karelasyon. Hindi ko maintindihan kung paano kami nagkakasundo.
Mas marami siyang naging problema sa akin kesa sa ako nagka-problema sa kanya. Narealize ko ang aking weak points sa pakikipag-relasyon. Never naging issue ang cultural differences. Pero kami pa rin. Napaka-bait niyang tao na halos kitang kita kung gaano kaitim ang budhi ko paminsan. Madalas pag magkasama kami lagi kaming tinitignan ng tao dahil alam mo na ang stigma ng foreigner at Pinay... pera lang ang habol. Masaya kaming kumakanta at nagpapanggap na mga bading. Walang selosan, walang text-text na kumain ka na ba?, kung ayaw mo wag mo't walang pilitan ang isa sa mga tema ng relasyon namin. Kaya ayun kung gusto niya gumimik eh di gumimik siya mag-isa, tulog lang ako.
Nakakapagtaka pa dahil maraming nagkakagusto sa kanya na never ko namang naging issue. Minsan may isang may crush sa kanya na inimbita siya sa birthday party, eh magkasama kami siyempre hindi ako invited dun. Dumating yung nag-imbita at nakita ako. Deadma. Sinabi ko kay Frenchy na umattend ng party. Naiwan akong nagbabasa ng magazine sa Starbucks. Umuwi si Frenchy at sinabi niyang nagiiyak daw ang babaeng may crush sa kanya dahil na-guilty dahil hindi ako inimbitahan at iniwan ako sa ere ng mag-isa. Dapat daw inimbitahan na lang ako tutal magkasama naman kami. Sabi ko ok lang. Bad trip nga lang yung babae dahil di siya consistent sa mga actions niya. Sa lahat ng ayoko yung obvious na plastikan at inconsistency of motives. Mas gusto ko pa talagang dindeadma na lang ang presence ko kesa inimbitahan ako sa party. Tapos ngayon iiyak-iyak dahil guilty. Nyeta.
Pero ito na nga ata yun. 3 buwan na kong long distance relationship simula nang bumalik siya sa Paris. Ang hirap hirap. Humahagod sa dibdib. Sumasaksak sa kalamnan. Natatakot ako baka sumuko siya or ako. Ok lang naman ako sa mga struggle and drama sa relasyon. Pero grabe namang struggle to. Nakaka-drain. Masakit maghiwalay dahil hindi kayo magkaroon ng paraan para magkasama. Napaka-helpless. Buti sana kung may ibang babae or lalake na involved, or bakla siya at tomboy na lang ako bigla. Pero yung dahil hindi kayo magkasama... parang nakaka-loka. Nakatira lang naman kayo sa iisang planeta, isa lang naman ang araw na nagpapa-init sa inyo pero di kayo magkatagpo. Minsan, naisip kong maipaghiwalay na lang para walang matinding drama. Tapos hanap na lang ako ng lalaking may permanent residence sa Pilipinas. Pero totoo nga yung sabi ng kanta na you can't find the words to say goodbye.
and sabi pa nga nung Amerikanong nagsulat sa webpage na swak na swak sa akin na parang ringless na three-pointer sa basketball: To others I can only recommend that you hold your lover's hand tightly, and thank God for each moment you are together, and that you keep your eyes on hers. Don't ever let true love slip away.
Tama na. Masyado nang makapal ang eyelids ko. Ilabas na ang mga batya.
Thursday, 12 January 2006
ANG RESOLUTIONS
Hindi kasi ako naniniwala sa resolution kaya never ever naman akong gumawa except nung elementary kami at pilit kaming pinapagawa ng teacher namin. Mantakin mo, redundant ang resolution, may solution na nga tapos gagawa ka pa ng isang solution from that solution kaya medyo nakakahibang ito. Anyways, na-realize ko moblization ang dapat kesa sa resolution. Gumalaw ka. Yun lang ang tanging paraan para matupad ang mga hiling. Na siya namang ginawa ko, matapos ang ilang senyales mula sa langit.
Unang sign, may tumawag sa akin, taga-Fitness First daw siya, i-try ko daw ang pinaka-bago nilang gym sa Makati. Natawa lang ako. Gurl taga-QC ang lola mo at hindi ako magMRT papuntang Makati para lang magpapawis. Nirecommend daw kasi ako nila Chawdi at Lebanis na mag-try. So, ibig sabihin pala isa ako sa top list for recommendation na magpapayat? Anyway, it just gave a thought na why not kumilos at mag-exercise. Ayun, kagabi matapos ang aking afternoon siesta na inabot ng alas-siyete ng gabi. Sinuot ko ang kulay blue kong Puma shoes, nagsuot ng jazz pants na itim na wasak na ang zipper kaya tinakpan ko na lang ng supersized t-shirt na pag-aari pa ata ni Toper. May dalang cash na 100 pesos at cellphone, nagtatakbo ang lola sa UP oval ng alas-otso ng gabi. Buti na lang malaki ang t-shirt na suot ko at hindi kita na wala akong zipper. Mukha akong ina na kagagaling lang sa post-partum depression. 2 round lang ang kinaya ko. Siyempre hindi naman tuloy tuloy yun kundi nanuyot ang balat ko sa pagod.
Ganito ang routine:
Jog-Stop-Walk-Stop-Walk-Jog-Text Message incoming-Walk while texting-Jog-Jog-Jog-Tambay sa Tennis court-Jog-Stop dahil may nagtanong ng directions-Jog-Inom Tubig-Kain squid Ball-Commute-Uwi-Plakda.
Pangalawang sign, habang nag-aayos ako ng gamit sa aming marumi at maalikabok na apartment, nalaglag ang tennis racket ko. Kanya nga naman feeling ko isa siyang sign na kelangan ko nang magbalik loob sa tennis. Tennis addict ako noon. Nagtutuklap na ang balat ko pero laro pa rin ako sa isang open air court sa likod ng school namin nung highschool. Puro lalake kalaban ko. Naging pustahan pa namin yung tickets ng Miss Saigon in Manila. Sobrang idol ko si Steffi Graff ng Germany dahil ang lakas ng backhand ng punyeta. Inis na inis naman ako kay Anna Kournikova dahil walang talent pero andaming fans. Tapos nag-retire na si Steffi. Naging jowa niya si Andre Agassi. Tapos na rin ang career ko sa pagte-tennis dahil alam mo na... haay.. pagtumatanda ka nga naman... SO di ba, nagjo-jogging nga ako sa UP, napa-daan ako sa tennis court at tumambay na parang batang nanonood ng TV sa kapitbahay. Nagtanong na rin ako sa mga pulot boys. Bukas itry-try ko ulit mag-tennis. 260 lang naman eh. Baka ma-addict ako ulit! Ang sarap ng tunog ng bolang tumatama sa raketa. Nanggigigil ako!
O siya. Nagpa-facial pala ako. Ang sakit niya grabe. Malapit na kasi bumalik si Frenchy kaya kelangan panggi-gilan niya din ako, Hehe.
Friday, 06 January 2006
YEAR OF THE DOG
This is my sign and the rest of my batchmates born under the the Batibot days of 1982. And a friend told me that to keep balance, you will not be so lucky in the year of your own sign. Ok. Bring it on. Poodrahbel says that the Dog is closely connected to God and how by that way? I expected a really deep answer that would tap my senses and chakras to inner understanding but then he said simply because of the letters. You see DOG and GOD. Pagpalitin mo lang daw yung D at G. OK. That was something. At least he had a point. And sometimes we just don't have to dig the obvious.
I remembered a joke about a young wonder boy painter having his first one-man show in an art gallery dominated by curators and people of aesthetics aka artsy fartsy. This curator saw a white painting with a big red dot on it. He told the boy that his painting (that consists of a big red dot with white background) is a masterpiece, a manifestation, something extremely evolved and understated that gave meaning to the white space. The boy, as he listened to the curator's comments on his painting, seemed worried. Still the curator praised and added highfalutin words to the boy's painting. Then the boy said, " But it's just the flag of Japan! " Oo nga naman!
Anyways, i think i started the year right with my favorite pasttime---eating. I ate healthy food, pinakbet, straight from my lola's house right after New Year. Poodrahbel said last Christmas that i was getting fatter. It's ok. That was the first ever lait my Dad gave me in terms of my physical body. I would gladly go back to my tennis days except i don't have a tennis court. Yun lang naman ang problema. And just in time that Freakin Martina Hingis came back from the grave to whack her way to the top spot of professional tennis. Moodrahbel has mellowed down and somehow i felt guilty for all the things that i have indirectly done to make her mad.
I had the chance to semi-bond with all my brothers last Christmas. We were walking towards the church for the simbang gabi because Moodrahbel sold her car! And it's the kind of sibling thing that you get along fairly because you don't have angsts anymore on each other. It feels so Christmas! Gosh, i think that's my happiest Christmas, walking along with my brothers, talking about bands, jobs, not concentrating on the mass, artistas that i see because of my work, girlfriends, the newest pimple product, latest family feud between Moodrahbel and our neighborhood Uncle. Yun lang naman. I could still remember the most hateable Christmas. In Ilocos, listening to an Ilocano priest in freezing temperature and then going back to our so called house of kamag-anak we were just introduced with cold pansit to eat and everybody sleeping while you watch a VCD of Serendipity. Wala pa ata DVD noon sa Ilocos. But i do like the Ilocos setting.
Oo nga pala. What keeps me creatively busy nowadays is the fact that i'm writing a play! I am a first time writer of a play. It feels so wonderful. It's very manipulative. Will tell all about it pag tapos na. Anway, i'm here now in a computer shop checking emails and then bothered by all these shouting for a fucking network game. Just came from an acting raket. Mind you, I'm still in make-up with two layers of foundation slobbed on my face slapped with a bronze blush on na tinalo pa ang balat ni Beyonce and liquid eyeliner on my eyelids so thick you can mistake it for a pentel pen. And nobody seems to notice. haha!
Happy year ahead!
|
This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...
|