Tuesday, 28 March 2006
MERON DIN AKONG HYPHEN
Salamat pala sa mga nanood ng play namin sa PETA theatre center. Sarap talaga umarte. Sana nararamdamam ninyo yung nararamdaman ko. Dun sa mga hindi nanood ok lang. One time big time lang kasi iyon eh. Salamat din dun sa mga nagandahan sa sinulat kong play at dun sa mga taong nagandahan sa akin sa entablado.
***
warning: malamang kundi kita friend, baka ma-offend ka sa mga isusulat ko (naks, may disclaimer), lalo na't di mo pa ako kilala. baka sabihin mo mayabang ako. Ok lang. at least i am myself, and that, is the greatest gift to the world.
Siguro in a month, meron na akong 2 offers. At pare-pareho silang bakla lahat. Ay hindi ito escort service at pag-puputa sa DOM. Nakakatuwa lang ang idea na naisip nila na pwede ako sa ganun. Tama lang ang height ko. Malakas ang loob ko mag 2-piece (lumabas na nga ako sa TV na naka-2 piece. Nyak!) Nag-fafall naman ako dun sa typical hairstyle na long and thin hair---thanks to my years of uncombing my hair, it actually worked on its own! Hmmm... sa tingin ko naman kaya kong sumagot ng maayos in english. Hirap lang ako mag-high heels at mag-stride with unison. Hindi ko pa na-aachieve ang perfect camera-angled smile. Medyo may pimples ako ng konti dahil may hormonal changes na nagaganap sa akin occasionally. Kelangan ko lang daw mag-tone ng katawan. Medyo kuba pala ako ng konti. Mataba ang mga mala-plapla kong hita. Nga pala, morena ako.
Gusto kasi ng baklang friends na sumali ako ng Bb. Pilipinas. Hmm... nakaka-samid ng ulam. Naisip ko, masaya siguro sumali sa ganun. Ibang mundo yun eh. For experience's sake. Ako, beauty queen? hahaha! Baka lumaki ang ulo ko. chos!
Punyetang mga offers yan. Feelingera naman ako. Naalaa ko lang kasi nung nag-audition ako sa film ni Rodolfo, tinanong niya kung keri ko daw mag-hubad sa set. Sa set lang naman pero hindi dun sa film mismo. Nasa blocking daw kasi na dapat makikipag-sex, awkward naman kung di naka-hubad at may plaster sa gilid. WAHAHAHAHA! Dios mio, wish ko lang sana lahat ng tao sa set ay ka-level ng director. Gudlak. Sa play magagawa ko pang mag-hubad eh. Pero sa mga ganyan... galing ako sa production at alam ko ang mga ganyang kabal-balan ng mga tao lalo na sa mga pinoy na cameraman, utility, lights designer ek ek... magtatanggal na lang ako ng buhok sa kili-kili.
Isa na akong munggong ididikit sa illustration board. Ako daw ang project nila sabi ng mga bakler. Aayusan, bibihisan, papagandahin tapos ilalaban sa Bb. Pilipinas. Para akong si Nanette Medved sa Hiram na Mukha. Yung isa kong friend seryoso talaga. Bawasan ko na daw ang pag-tengga ko sa higaan. Mag-tennis na daw ulit ako. Cleanse, tone and moisturize dapat ang drama ko gabi-gabi.
Actually, gusto ko ma-experience eh. Syempre ayoko manalo. Punyeta. Gusto ko lang malaman kung ano bang meron dito sa lintek na pagba-babad ng mga babae upang maging magandang-maganda sa TV tapos wala namang masabing matino kapag tinanong. Ako ok na sa akin yung maganda ang balat. Pero hinde... ang ibang tao talaga... gusto ultimo hibla ng ilong nila naka-bleach.
Balitaan na lang. Nyahar!
Thursday, 23 March 2006
ANG PAGBABALIK
HA!
Aarte na ulit ako. Punyeta. Putangina. Paksyet talaga.
Pag tapak ko sa entablado sa araw ng aming tech-dress run hahalikan ko ang kahoy na aking tinatapakan. Isamsampal ko sa aking pisngi ang itim na telon. Nanamnamin ko ang mainit na ilaw ng parlights na para bagang natural heat na nanggagaling sa araw. Hahawakan ko ang mga light bulbs ng dressing room. Bubuksan muli ang mga na-laos kong make-up. Kakalikutin ko ang pwet ko sa kati ng kostyum. Magdadasal ako sa Diyos at makikipag-lampungan na naman ako sa una kong boyfriend--- teatro.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito katindi ang nararamdaman ko para sa isang disiplina. Napaka-sidhi. On-off relationship. Parang bagyo't tsunami. San ba ito nanggagaling? Maiiyak ako. Naiiyak na ako. Umiinit ang likod ko sa tindi ng nararamdaman ko dahil isang araw na lang ako ay muling mawawala sa sarili. Ibang klase. Para akong libog na libog na pusa sa bubungan.
Kaya sa Linggo March 26, 2006 sa PETA THEATRE CENTER sa likod lang ng QC sports club along E.rodriguez malapit sa Christ the King. Sa halagang 150 lang at sa ganap na 6 ng gabi matutunghayan ninyo ako. Si Geng at ang kanyang boyfriend.
Sunday, 19 March 2006
F
I have always avoided things that make me ponder. For one, it doesn't provide solutions. It leaves me constricted. As if my arteries are thinning me to death. Or probably i also avoid solutions. And then come to think of it--- it's all on me. Well, solutions are not that easy. Definable but not really excutable in the real sense of the world.
I am very afraid. As much as i want to do something that i know will make me happy, i just don't do it. Gosh, did i just wrote that? Of course, chocolate makes me happy that's why i eat a lot of those. Pero siyempre di naman yung tinutukoy ko eh... it's about fucking following your dreams and getting it at all costs... about choosing courage over fear... all those mala-Braveheart moments in your life...
I feel like on top of the building with the whole city waiting for me to plunge but i'm just there. Surveying the lights and wondering how it feels for all my innards to splat and bask in the light of my own happiness. I think i need a little tush.... or a marching band to surprise me and make me fall... What keeps me from doing that? Complicated talaga. I don't want to think about it. Makes me feel ugly. I just want to do it but i think i really need something. Some great air for me to just plunge. I envy people who do just that. And then the usual litany of doing what makes you happy because you only have one life to live. Yes.Yes.Yes. I see it everyday. In bookstores, in office cubicles, in songs, heck i even see them on buses and jeeps. Its festering the city.
Tinitignan ko lang yang mga quotes na yan and then i try to mix them to form a new word na parang text twist. Then form the exact words and then its in your face again. Shrug a bit. Boo-hoo about it. Think till you die thinking about it. Oh my, but there's a greater force than seeing those blasted quotes to live by. It's when you start feeling it. So rusty. Grinds in on you. Try to shut it out but then your heart pumps it out. It's like suffering a brokenheart inflictedf upon yourself. Ang hirap mabigo sa ginawa mong tore para sa sarili mo. Not really easy to go against your heart. So, itulog mo na lang. In 2 days limot mo na. But there are some situations that remind you of them. Like me, i remember them when i watch a play. Alam mo yun? Dapat ako ang andyan eh. Dapat ako. Dapat ako.
Then you start walking alone. Eating alone. Home alone with futile efforts to scare yourself of ghostly apparitions. Eh sa hindi nga nagapakita yung mga moo moo. Then you start being afraid not because of ghosts but something else... Just being alone and then you try to look at yourself from the doors' point of view. Parang pelikula. With much emphasis on the space that is to remain empty. You, looking to the space as if seeing your reflection.
Life shit in the works.
Friday, 17 March 2006
GENGKIE IN BIKINI
Kumusta naman daw ang paggising mo't lalabas ka ng banyo after shower, inabangan ka ng friend mong bakler at sabihin sayong may raket siya para sayo. Weno yun? Bakla, pose ka lang. 2 piece. Bumalik ako sa loob ng bahay at kinanta ang "I don't know how to love him" ni Mary Magdalene sa Jesus Christ Superstar.
Katok.Katok.
Bakla, nakaligo't nakabihis nako, naka-twalya ka pa rin?
Bakit ba!? Dream role ko kaya ang Mary Magdalene sa Jesus Christ Superstar. Walang bihis bihis kapag pangarap ang usapan.
Go ka na ha? 2 piece.
Ok ka lang!? Hindi maganda ang katawan ko ngayon sabay tanggal ng twalya to reveal the temple of my soul and the altar of my Frenchy. SIyempre naka bra't panty naman ako na parang pina-audition ang katawan.
May TF naman eh. Mababastos ba ako diyan? Gurl, hindi. May kagat ako ng surot sa likod. Parang 2 maliit na boobs sa laki. Keri lang di naman makikita sa camera yan eh. Esep-esep. Bakla, tinaasan na ang TF tapos sayo na ang bathing suit.
Take home na ang bathing suit? Yipee!!
Saker talaga ako sa mga freebies. Buti na lang at di pa ako kumakain kaya mukha akong malnourished. Kelangan daw nila ng iba't ibang types of body sa isang show sa GMA. Ako daw yung skinny type. Ano daw ang tamang bathing suit sa mga skinny type na babae. Me? Skinny? Dati yun nung nagtratrabaho pa ako para sa mga lungga ng ahas. Medyo may laman na ako. Pwede na akong ibenta. Hehe..
Pag pumupunta ako sa beach. Madalas talaga naka-bathing suit ako. Mas malaswa mas maganda. Mas kita ang kuyukot mas maganda. Baktong kung baktong ang labanan. Wala lang. Napaka-komportable. Gusto ko na mangolekta ng bikini. Meron na ako in neon green at vibrant orange. Yung hindi masyadong agaw atensyon na kulay. Mga hi-cut at low cut pa yan para wala ka nang iiwan sa imahinasyon. Feeling ko contribution ko na sa society ang magpakita ng laman at wala masyadong paki-alam. Paano kanyo? Feeling ko kapag binugbog ng suso't puke, hita't tuhod ang mga lalaking Pilipino mas less ang magiging inclination nila to rape. Kasi may nakikita na eh.
Kapag tinitigan ka naman sa suso mo, titigan mo muna ang crotch niya then paakyat sa mata niya tapos mag-ala Celia Rodriguez na tawa ka. Tignan ko na lang kundi siya mamakla't maimbyerna. Ewan ko ba. Mga fez ng mga lalaking maghanap at mag-survey ng mga maririkit na dalaginding na kagaya ko eh hindi naman matignan ang mga pwet at tite nila kung proportion ba iyon sa gusto nilang physical assets ng babae. Leche.
Pwede ba. Tumigil na rin ang mga Bella Flores na kung makatingin sa yo na para kang karinderyang bukas sa lahat ng pwedeng kumain porke't naka-hambala ang mga hita mo sa beach. Kumuha na lang kayo ng kalat sa dagat or paka-inin ang mga pusang gala sa bubong or magtayo ng NGO na sumusoporta sa street children kung wala kayong magawa.
Kulay pink na string bikini ang binigay sa akin ng libre. Sabi kasi nung stylist yun daw ang pinaka-bagay sa katawan ko. Ayaw ko ng pink eh. Pero pwede na basta may bagong bikini.
Tuesday, 14 March 2006
SLAB OF MEAT
Di ako makatulog kagabi. Na-paranoid ako para sa sambayanang Pilipino. Nanood kasi ako ng premiere ng HOSTEL yung horror na slasher movie ni Quentin Tarantino at Eli Roth.
Pare. Grabe. Hostel. Glamorized butcher house.
Sadyang tahimik talaga ako manood ng pelikula. Hindi naman ako maingay. Mahina lang ang bagang ko sa mga horror movies. Hindi ko alam. May friend ako na may technique para hindi masyadong madala sa pelikulang nakakatakot. It's just a film. Isipin mo na lang na pelikula lang yan. Napaka-redundant. Meaning, isipin mo na sa bawat take na may hinahating katawan or may pinagsasaksak na likod isipin mo na after nun may mag-cucut tapos magtatawan lang sila. Tapos buhay pa yung taong namatay dahil hihingi siya ng kape sa production assistant nila sa set. O di ba? Effective nga madalas.
Pero hindi kasi ganun yung nakikita mo eh! Nyeta naman. Paano na yung sound effects na pinipilit kang kalimutan yung ganoong scenario sa set na magtatawanan matapos hatiin ang katawan. Eh yung lakad pa ng kamera na tipong ikaw yung nandoong naglalakad. Eh yung eksenang madilim lang. Wala kang nakikita. Naririnig mo lang yung mga iyak at cry for help dahil alam niya ang katawan niya ang pag-eeksperimentuhan ng mga mayayamang negosyanteng halang ang bituka.
Nung isang araw naman nakapanood ako ng DVD ng SAW 2. Hindi ko talaga gusto takutin ang self ko. Hay ewan, di ako masyadong na-horrify ng pelikulang ito. Kasi yung mga dinededz nung nasa SAW 2 yung may pagka-salot sa lipunan. Kaya parang keri lang. Hehe. Justified ang means of torture and paranoia kumbaga. Pero itong nilintikang HOSTEL na ito. Leche. Na-paranoid ako sa mga taong naka-salubong ko. Yung babaeng nagbebenta sa akin ng dyaryo, yung driver ng taxi, yung dating nanligaw sa akin--- paano kung sila yung andun sa hostel movie. Paano kaya ang paraang gagawin sa kanya. Heek.
Pag-uwi ko sa bahay. Naisip ko na magiging negative ang dating ng Slovakia dahil sa movie. Baka hindi ko na gusto pumunta sa mga European countries after that. Napaka-tanga naman kung ganun lang ang basehan. De bah.
Ewan. Ngayon ok na naman. Nagdasal ako sa panginoon na sana pangalagaan ang mga mahal ko sa buhay pati na mga kagalit ko. Paano kaya kung meron talagang ganun na kagaya sa movie? Or may Hannibal Lecter talaga at may Sadako na lalabas na lang sa computer monitor ko at may psycho na gagawa nung katulad sa SAW. Heeegad. Gudlak sa mga malilibog.
Monday, 13 March 2006
SLACK
I got a semi-whacking from one of our heads just recently. I think the first one i got since i switched fences from the snake pit to the sheperds plain. Things are so coincidental. But i know my grip and i stay firm to that. Probably they mistook me on my grip. Well, next time always be on the trivial side. Phoohoo!
*** Last week a day before mon amour went to Paris, i had the opportunity of a friend to watch Carlo Vergara's Zsa Zsa Zatturnah (Ze Muzikal). I think any close minded gay basher will foam to its ears and combust after finishing the play. Hehe. Ultimate bakla play. Songs are reminiscent of the Supremes, Otis Redding and Aretha Franklin. Hmmm... so gay. Eula Valdes played ZsaZsa, and she really looks like ZsaZsa in the comics. She has really plump and nice boobs with a surprising musical theatrel voice. Agot Isidro who looks so noveau riche on stage as Queen Femina Suarestella Baroux had the right mix to act as the highfalutin English speaking leader of a feminist mob of 4. Yes, Agot Isidro really looks stunning, complacent and proud. For a time i thought, i wish i had her face. Chubibo on cue, whispered to me that Agot acts like me on stage. Haha! Grave na tong Assumptionista mode ko! Paulie said that we had the same kuba and ashamed of the breast stance. I'm a bit kuba. I don't know why.
****
2 nights ago, i had a margarita night with some of my college buddies. Leslogel, Bumper, Chawdi and their housemate Wacks. THat night was so full of affirmation. As if we have never affirmed ourselves. Felt good. Alcohol really has a refuge. As if rescuing ourselves from ourselves.
Friday, 03 March 2006
FEBRUARY RED
Well what can i say di ba? February is just surging with all things red. Goodness, you walk out from your big media building and you see lots of people just outside your house. Rally daw. Rally?! Bahket? And that was in Tomas Morato ha. Ano na bang nangyayari sa bansang ito. Para tayong natuyong regla na hirap na hirap tanggalin ang mantsa mula sa butas butas na panty. Butas na may mantsa pa. Ano na nangyari sa buwang buwang pagkaltas sa aking sweldo? Masulsihan man lang ang butas na panty or makabili man lang ng sabong panlaba diyan sa mantsa ng regla. Leche.
But in all redness, i must admit i'm a flustered red, healthy, vibrant, hair shining, morena looking and lip smucking happy. My hairy object of affection is back in Manille from Paris. He's leaving tomorrow again. And what another eksena could be lurking from all that grand Manila International Airport.
2 weeks he was here. Got a bit fat from too much irate French situations in the Rue de Albuquerque hek-hek. Even had the gall to hide the fact that he came 2 days before his actual date of arrival. I had to confront him in the most gengki manner of confronting little liars. No drama on the table just tell me where the fuck did he get the idea to lead me into thinking that he was to arrive on a tuesday but had been here since saturday.
Whew. I can feel my cheekbones go numb the same way i got rejected in the passport application in DFA. Well, he had a very good reason. He was afraid to see me daw. He had to prepare himself because he thinks i might not like him anymore. You? My boyfriend and good karma rolled into one will not be accepted by me? I don't reduce people into mere skin and hair. You could have come looking like an orangutan and it doesn't change a whit.
I enjoyed his stay. Tomorrow he will leave. It could go on just like this or it may not. It seems like a breeze. I would like to commend myself that during his absence, i never had any infidel idea or thought not even on a picture. It seems possible.
Gosh.
|
This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...
|