WHO STAGED SITUATION
Haha!
Kapag nangarap ka nga naman at nagising. Talagang tutuparin ni Lord ang mga hinaing ko habang ako'y nakatitig sa mga kahoy sa aming double deck. Sabi ko: Lord? Bakit wala akong magawa? Happy naman ako at nagigising ako araw-araw na kumpleto ang katawan at may diwa pero i need SOMETHING!
Gusto mo ng something ha? HETONG SOMETHING!
Yesterday I was scheduled to interview Ms. Rosa Rosal for our show at 10 am but my goodness gracious great balls of fire! 9:30AM na at nasa Morato pa rin ako samantalang Port Area Manila pa ang opisina ni Tita Rose. Napabili tuloy ako ng Iced Cafe Mocha sa Starbucks sa sobrang kapalpakan ng umpisa ng araw ko. This is the first time ever ata na mala-late ako sa isang interview at sa isang Magsaysay Awardee for Public Service ako sasablay. Sabi nga ng friend ko kung news daw ako chugi na ako.
Manaka naka naman at may hinostage pala sa Maynila at mega trapik ever. Siyempre pinag-papapiwasan na ako. I arrived at 10:40am with the most valid reason--- hostage taking situation. I saw Rosa Rosal dialing something on a fax machine and i introduced myself. I apologized hard, smiled often and told her about the Bus Hostage Taking of toddlers.
The moment i told her, she grabbed me by the arm and sashayed me inside a very posh Pajero with a REd Cross sign and told me to be with her ALL THE WAY.
Oh man, i feel like a journalist and a blood groupie.
So mega sirena and ambulance kami with all the Red Cross contingents. Si Tita Rosa Rosal naman dressed in blue swirled tunic with matching thick up there choker ay nagbaba ng bintana at mega sumesenyas sa mga dyip na padaaanin kami. Taray di ba? In full make up yan. So bawat daan namin amazed sila dahil its Rosa Rosal hogging it out in the streets of Manila.
Pagbaba namin ng SM Manila area napakadaming tao at napaka-init. Nasa likod lang ako ni Tita Rose na wishing and hoping na ma interview ko man lang siya kung paano siya naging artista at social worker pero hindi talaga keri dahil she was all blood curdled up by the hostage incident.
And then i realized i had a media ID.
So go ako between the police lines at medyo kebs ang mga pulis dahil kapuso ako eh at mukha pa akong reporter at times. So i head near the hostaged bus at chumika ng chumika sa mga tao doon. A Rexona moment kumbaga dahil mega bumubula na ang kili-kili ko sa pawis.
And then i realized this could be a scene from a movie or in a one act play. Datingan ang mga named people from media and politics. I felt like i was in a circus movie. Si Tita Rose composed pa rin pero di ko naman alam kung bakit andun siya unless may anemic sa mga bagets. It was like a frenzy and fiesta na kulang na lang ilabas ang mga lechon at magkas-kas ng yelo para sa halo-halo. Kanya kanyang haka-haka at gimik. Dadating si ganito na parang bihis savior of the day, break down ang mga moodraks ng mga bagets sa isang banda, mga ewang naka shades galore na akala mo may ganap at siyempre ang nag-iisang ako na feeling part ng news pero di naman talaga. This is so Pinoy!
So from 11am-2pm andun ako just to observe people and Rosa Rosal under the sweltering heat. Sabi ko baka ma heat stroke ako neto. At least nag sunblock ako for the day. Kinailangan ko nang tumakas dahil mag-cocomplain na ang balat ko. I have had enough showbiz for the day.
Wala namang mangyayaring masama eh. Mga Pilipino pa. Hindi naman tayo kasing baliw ng mga Amerikano.
Hindi naman kelangan ng mga taga news dun eh. Ako nga na taga-showbiz na predict ko na ang mangyayari. Sabi ko nga: its a who staged situation.
Tuesday, 27 March 2007
HEAT
What could be worser than eating melted chocolate on a hot and humid day with no liquids in sight. I feel so deserted. I am not doing anything lately and i haven't been channeling myself to creative means. I finished in 2 -3 days a 2 months pay and i am waiting for something to happen.
I am helping a writer friend with his Palanca entry for April and i have yet to start my own but i am not pushed. My gosh, i bought a laptop for all my writing stuff but i still resort to my Peanuts notebook to write ideas and thoughts and one liners i spit and hear. The glory of handwriting and underlining a word on paper can be so mind gnashing.
And since i am not doing anything, i have been doing the groceries of my homosexual neighbors and i have taken delight in choosing chicken cuts for adobo, smelling mangoes, looking for that blasted anchovies and picking up Yan-Yan biscuits. Yesterday, i went window shopping in Greenhills with no intention to buy but still ended up buying Mini chocobons and 2 sandos that made me feel like suman. I am amazed that shorts in office type of fabrics are in nowadays and i am liking it. While i was checking out stuff, i kept on singing Gwen Stefani's Sweet Escape. I heard this song on July's car last month and still it sticks on to me.
About R, well, i remember blogging about having a normal Filipino boyfriend and there he goes plopping into my life. Yes, he is the most normal one. After going international and artsy fartsy with all my past ones, i guess its about time i have one of them in my life ----a Filipino lover. A plus because I don't have to talk english and some french all day. I need someone to keep me sane because i know i am sweetly complicated at times. Again, i have a newfound affinity to the beauty of kissing and hugging. I think i have a favorite spot on a human's body.
If i could escape and recreate a place in my world... lalala
Thursday, 22 March 2007
THE EX-GIRLFRIEND
I do not want to antagonize the lives of these poor creatures because i know i have been in that position and situation---- an ex-girlfriend. But you see dahlings, i do it with such flair and panache. The pleading of love and its all coming back moments to the one guy who left me for lugaw. As in lugaw sa kanto na kulay dilaw dahil pala iyon sa yellow ginger. Honey, hindi ko alam kung paano isinabog ng Diyos ang self confidence sa Fairview pero alam kong may dala akong batya noong araw na iyon. Mataas ang value ko sa sarili ko. Isang plead lang for love at kung ayaw na ni guy--- eh di ok. As Tracy Chapman gallantly spits " I'm too old to go chasing around wasting my precious energy."
But of course ang ibang tao ay iba at hindi sila ako. I have a had a slew of ex girlfriends bitching out on me and on my current boyfriend's cellphones as if naman it can hurt my feelings to think bastardized na ang language nila.
I am harsh and cruel. After graduation lang ako nag mellow down kasi feeling ko kelangan ko na ring mag melt down dahil alam kong harshness can lead to wrinkles. At naintindihan ko rin naman ang desperation ng mga babaeng gumagawa ng mga maling decisions in life particularly ang pag-let go sa isang di pangkarinawang lalake sa buhay niya. I'm a girl too de bah. Keri ko iyan. Dumaan na rin ako diyan. Favorite scene ko sa pelikulang Inagaw Mo ang Lahat sa Akin ang eksena ni Maricel Soriano at Cesar Montano na nagmamakaawa si Maria na mahalin siya ni Cesar Montano. I love dramatic moments like those: pleading, wallowing in self-pity, hungry for love and ultimate adulation that it hurts in the head.
Pero naman ineng, wag mo talaga pundihin ang ilaw ko sa mga ke lechehang iyan dahil di miminsan bumalik ang cruelty to people ko. Papasabugin ko talaga ang opisina ninyo at babazukahin ko pa ang bahay mo kung dadagdagan ko pa ng creative license ang maari kong gawin sayo.
Araw-araw ka na lang nagtetext, tumatawag at nagawa mo pang i meet si R sa Makati at paghintayin ako at ang mga kaibigan ko ng 3 oras dahil lang sa mga kapakshetang kaartehan mo sa buhay. O sige, nagakamali ka, umaasa ka pa na magkabalikan kayo pero ayaw na niya kasi nga hinurt mo ang feelings niya de bah. So, anong dapat gawin? Move the fuck on. Kumain ka ng tsokolate at suminghot ka ng katol, magtanim ka ng puno sa village ninyo for world peace or di kaya kumangkang ka ng mga lalakeng higit pa sa kanya para ma realize mo na meron at meron pa ring dadating.
You do not make me wait in Makati city for 3 hours from 1am-3am and then give a suggestion to my boyfriend na mag-taksi na lang ako. Then you text him that let God bring you back together. Utot mo. Wag mo nang isama si Lord sa mga katangahan mo dahil baka dagukan ka lang Niya.
OK?
OK!
Saturday, 17 March 2007
RAYMOND
2 or 3 days ago ata meron na naman akong na realize na mga bago sa sarili ko. Nakita ko ang level of topak ko at ang di miminsang pag sulong ng aking kakatwang pagkasarili.
Medyo makasarili kasi ako paminsan. Matapos ang pag-iisip ko kadalasan sa ibang tao na hindi namang halatang iniisip ko sila. Naisip kong mabuhay paminsan para sa sarili ko. Huwag ninyo ako pakialaman dahil ako lang ito.
Ganyan nga. Kasi noong bata pa ako madalas ako mag-isa. Loner baga. Nang tinuro ni Poodrahbel sa akin ang pagbabasa ng nobela lalo pa akong naging loner. Binasa ko minsan ng dalawang araw ang SIlence of the Lambs sa bubong namin habang kumakain ng manggang hilaw. Nahumaling ako sa TinTin Comics at binabasa ko siya sa sulok ng kama ng mga magulang ko. Naranasan ko na ring kumain ng sandwhich sa loob ng inidoro sa school noong ako ay Grade two sa St. Marys. Hindi ko alam kung bakit ko piniling maging ganun. Palibahasa'y mahiyain akong bata at medyo minulat ako ng aking moodrahbel na hindi naman ako kagandahang bata. Huhuhu...
Ok lang ang mga ganyan sabi ko. Magagamit ko rin lahat ng childhood angsts ko sa buhay. Kaya nga bata pa lang ako, inasam ko nang umarte sa entablado. Hindi lang umarte. Gusto ko na matapos ang play at lalabas ako mula doon at haharap ako sa tao na para akong mag-isa at papalakpakan nila ako. Palakpak at palakpak. Selfish pa rin. Pero alam mong ikaw lang ang makakaintindi ng ganoong moment. So loner ka pa rin.
Noon iyon.
Minsan na lang ang mga loner moments ko. Tipong iihi sa banyo mag-isa. Tipong manonood ng sine mag-isa. Kakain mag-isa.
At ito pa ang hindi nila maintindihan sa akin. Bakit daw ako biglang tumatahimik na parang meron daw akong narinig na naka sakit sa akin. Wala iyon. Iyon ang mga sumpong loner moments ko. Bakit ba? Ano daw ba ang iniisip ko?
Ano nga ba ang iniisip ko? Usually iniisip ko na iwan ka na lang at di na magpakita. Pumatay ng tao. Budburan ng asin ang sugat mo. Dumura sa mataas na building at tignan sa mata ang maduraan ng laway ko. Iniisip ko isulat ang mga nangyari kasi parang magandang eksena sa isang one act play.
Yun lang naman. Iniisip ko lang naman iyon. Hindi ko pa naman siya ikikilos. Malamang ang huli pa ang gawin ko pero ang iba siguro marahil hindi na.
Huwag kang mag-aalala dahil hindi ko gagawin yung una kong naisip. Ganun lang talaga ako. Maarte ako eh.
Saturday, 10 March 2007
ADORE
A friend asked me a question his boss asked on him: Do i want to be adored? My answer is yes. Selfishly. I want to be lusted for. I want to be placed on a pedestal. Yearned and grabbed provokingly by the senses. I want to make life a living hell by someone just by my scent. And i must love him.
Yun lang.
So right now, i am about to start a new chapter in my love expeditions. Because, yes indeed, there is a new chapter. And he's here right now sleeping in my blue feel good sheets wearing a yellow shirt. He's the kisser.
Monday, 05 March 2007
KAHIHIYAN! KAHIHIYAN!
Meron akong black eye.
Though hindi naman ako nasuntok sa mukha pero ang feeling ko ay parang may sumuntok sa akin gamit ang isang bato na mula pa sa Eastwood.
Paano ba naman? Nadulas kasi ako sa isang hip na restaurant sa Libis na pinamumugaran ng mga hip na tao habang ako ay naka suot ng hip na tube dress at wedge mules. Punyeta talaga. Kahihiyan talaga ang inabot ko.
Biruin mo, minsan lang ako magsuot ng buong moda tapos madudulas ka pa sa harapan ng mga mukhang Assumptionista, gimikero't gimikera na walang inisip kundi ang sumunod sa uso at magmukhang mayaman. Naka-dress tube ako gurl. Di miminsan ang nga ganitong pangyayari pero kung mangyari man ay tumotodo.
Tumama muna ang right tuhod ko then sabay bagsak ang right side ng head ko. May black eye tuloy ako sa right side ng mata na every now and then ay nagbabago ang kulay na parang shu uemura eye shadow. Slightly maikli ang suot ko kaya di ko alam kung may nakakita ng kuyukot ko nang ako'y bumagsak at tumihaya.
Pero man, pagtayo ko na mala-Miriam Quiambao, naramdaman ko na sumusulong na ang mga dugo ko sa utak ko at di ko alam kung magwawala ba ako. Walang tumulong sa akin tumayo. Shock silang lahat. Tumigil ang pag-nguya at pagpla-plastikan ng mga pakshet na taong nakakakita sa akin. At madaming madami sila, isama mo na yung nga nasa itaas na part. Ultimo ang mga waiter nakatingin sa akin at di alam ang gagawin. Mga punyetang yun. Para akong sinapak talaga dahil nahilo ako.
Pero poise, tranquility, calmness, mother nature and sea side breeze ang bumalot sa katawan ko. Hindi ako nagalit. Buti na lang walang tumawa or ngumisi ng kalahati. Dahil Diyos ko, patawarin talaga ako sa maari kong gawin kapag may nakita lang akong nakangiti.
Inayos ko ang tube ko at nagpag-pag ng palda. Sinabi ko na lang na: Kuya, basa po dito. Pakipunasan na lang kasi baka madisgrasya yung iba.
Talaga namang bilib din ako sa sarili ko that night. Hindi ako nagalit. Mega apologize ang nga waiter, dun daw kasi dumaan ang kanilang dishwasher kanina kaya medyo basa.
Sabi ng friend ko bumalik daw ako dun at ipakita ko ang black eye. Mag-demanda daw ako and all that. Ako naman, keri na yun. At least napatunayan ko na hindi ako halimaw at may pagka- Dalai Lama pala ang arrive ko in hideous times like those. Bwahaha!
