ABALA
Hindi ako abala ngayon at hindi ako natutuwa dito. Ikinatatakot ko ito. Minsan masarap ang maging abala sa mga bagay bagay na walang kwenta gaya ng pagtratrabaho sa showbis. Dito ako kumukubra ng malaking pwe-ra pero walang kapararakan naman ang nangyayari dito. Para kang putang nakapag- aral sa UST at may magandang bihis... pero puta pa rin.
Maganda kasi na abala ka sa mga ganitong bagay para hindi mo maharap ang mga bagay na kelangan ng iyong buong atensyon. Nakakatakot kasi ang mga bagay na kelangan ng buong atensyon. Gaya na lang ng mga bagay na pinapangarap mong gawin sa buhay--- teatro at pagsusulat ang para sa akin. Dito hindi ka puta.
Heto't bumili ako ng lomo camera upang maibsan ang mga panget sa mundo. Ang mga panget gumaganda sa kuha ng lomo camera. Ang mga walang personalidad ay nagiging hitik. Ang komplikado nagiging simple. Pero mahirap kumuha ng mga ganoong litrato lalo na't baguhan ka pa lang. Proseso ika nga at praktis. Natutuwa lang ako dahil parang nagkaroon ako ng panibagong pares ng mata. Salamat lomo camera.