|
*** gengki the newbie ***
|
|
Monday, 27 April 2009 Long Driving without a license..2 months na akong nagdri-drive under students permit. Wala namang nangyayaring masama sa akin sa awa ng Diyos. Though andami kong naririnig na horror stories sa driving lalo na dito sa Pilipinas with the perception na Filipino drivers are the worst drivers in the world. Hindi naman masyado. It should be that bus drivers are the worst lot of Filipino drivers in the Philippines. Most drivers here also have issues with space. They just don't respect space. Takot sa space. Kaya andaming chismosa kasi walang respeto sa space. Andaming space invaders sa mundo na hindi matatagpuan sa kalye. Siguro kung magsyota lang ang mga kotse walang nagtagal na relasyon dahil sasabihin nilang 'i need some space'. Chos.
Matic driver lang ako. Ayoko ng manual. Nakaka-stress siya. Ayoko ng stress gaya ng pagka-ayaw ni Maricel sa putik at masikip. Though mukhang astig kapag marunong ka ng manual but then again astig-ness is just image and projection so pwede siyang hologram. Haha. So ito na nga, nag-beach outing kami sa Batangas at dahil kulang ang budget, I had to drive my car while my R drives his own car while going to Batangas. Correction: Hindi kami mayaman ha. Nagkataon lang na sa murang halaga namin nabili ang mga kotse at 2nd hand sila. Nakarating naman kami ng Batangas in one piece at sobrang sakit ng ulo ko. Iyon kasi ang pinakamahabang drive na ginawa ko. Pauwi na kami at hindi ko pa masyadong gamay ang pag-overtake. Marahan lang ako mag-drive kaya nang mag-overtake ako sa isang mabagal na jeep malayo pa lang ay kita nang may makakasalubong akong tricycle. Naka-iwas ang mabilis na tricycle sa akin yun nga lang sumalpok siya sa isang tricycle na nakaparada. Kasalanan niya yun dahil hindi siya nag-menor kita naman niya sa malayo pa lang ay overtake ako. May kasalanan din ako dahil lane nila yun pero hindi naman ako bumulaga dahil malayo pa lang ay kita na nila ako. Itinabi ko ang sasakyan at iyon ang isa sa mga pagkakamali ko. Nakita nilang babae ako at ramdam ko na gusto nilang perahan ako. Wala namang casualty. Nalaglag lang ang naka-park na motor sa gilid. May isang lalake dun na may galos lang sa tuhod at nag-claim na hindi na daw siya makakapagtrabaho. Galos equals imbalido? Ako nga na CS! Babae ako pero di ako tangaaaah!!! Buti na lang bumalik ang asawa ko para makipag-areglo. Dahil pag may dumating na pulis talo ako dahil students permit lang ang hawak ako. Pina-alis na ako ng asawa ko at lumayo daw muna ako. Driving lesson learned: 1. Huwag mag-oovertake sa curb. 2. Kapag hindi ka naman nabangga huwag mong hihintuan at dumerecho ka na lang. So ok na. Pag dating naman namin sa toll gate ng SLEX. Nanahimik kami't nakapila bigla namang may blumagadag sa likod. Binangga kami. Lumabas ang nakabangga at susuray suray. Lasing ang lolo mo. Nagpakita pa ng baril. Dineadma na lang ng asawa ko dahil lasing nga at dahil nga wala ako license wala akong habol pa rin. Ako pa rin ang talo kahit ako ang naargabyado. Driving lesson learned: 1. Pagbinangga ka sa likod, huwag kang aandar para kita ang ebidensya. Stop at mag-hazard. 2. Kumuha na ng Non-Pro License para may laban ka! At nangyari ang lahat ng iyan all in one day. Driver na daw talaga ako. Realization: I hate SLEX. Tuesday, 21 April 2009 I think I must be doing something right...
Friday, 17 April 2009 Take me away Anawangin...![]() I am so looking forward to going here with guysts. I need to have a birthday break dahil parang lumipas lang na ordinaryong araw ang birthday ko. Kelangan ko siyang i-celebrate dahil pumapasa pa rin akong 17 years old na tagyawatin. Thank God! Ang dami kong sulatin that time pero i am not complaining. Parang regalo na rin sa akin iyon na naging suoer busy ako at puyat dahil may deadline ako ng script. This is no ordinary beach trip dahil camping at luto ang effect dito. Walang nightlife. Walang mga petty girls in their teeny bikinis frolicking about... Che! Walang nagpupumilit na magmasahe. May tent lang. Inuman kayo habang nagmo-moon bathing. Mag-feeling cast away dahil I heard wala daw signal dito. Magpaka mystical kuning. Magpaka-Mother earth. Maging responsible at magtapon ng basura. Mag-sunbathe. Kung kaya, mag skinny dipping na rin. Maglaro ng patintero with your friends na malapit nang magtrenta. Magjogging ng naka paa sa beach. Maglaro ng charades sa buhangin. Magpicchur habang tumatalon. Magmuni-muni about your life and what makes you happy. Konting skimboarding dito. Matulog sa ilalim ng pine trees. Mag-hike na rin. And best of all ay mag back float at tignan ang walang katapusang wallpaper ng langit. Amen. Test of friendship ito dahil magluluto kayo and all. I still have to write some scripts and wait for pending revisions. I have to memorize din a script pero kaunti lang yun. Kaya pag natapos ang lahat ng ito sobrang rewarding talaga ang feeling pag nagpunta ako dito. I'll be planning a menu na hindi madaling mabulok at ayoko ng de lata pleeez.... Salamat kay Irene dahil nagbigay siya ng mga tips on how to go there and all. At salamat kay Mr. Jerome Sajise for taking this picture. It reminds me of U2's Joshua Tree album with ooomph. Sana by tuesday libre nako sa lahat. Para maihanda na ito. Monday, 13 April 2009 Kaganapan!Ok. Itong buong holy week ay wala akong ginawa. Hindi ako nagbakasyon or pumunta man lang sa beach. I was hoping for a holy week of writing pero hindi naman ako nakapagsulat or nakapag revise dahil ang head namin ay nakabakasyon mode during that time. Ako kasi itong atat magsulat pero sa tingin ko hindi rin ako makakapagsulat dahil andito sa bahay ang half of the clan ng asawa ko. Mega inasikaso sila and all tapos umuwi na lang kami sa bulacan come black saturday.
Black Saturday. Bukas na ang mga mall. May karapatan na maglakawatsa ang mga tao dahil patay ang Diyos ika nga on that day. Nanood kami ng sine ng mga college goodfellas ko. T2 yung kay Maricel Soriano. Hindi kagandahan pero mukhang maganda sa umpisa. Tawanan kami ng tawanan pag katapos. Naku, bossing ko pala ang nagsulat nun. Peace tayo kuya A. After namin magsine, pumunta kami sa Binondo at kumain sa isang authentic Chinese resto na may carinderia feel, this at around 12pm. Buhay pa ang mga pamilyang intsik that time. Parang kumakain lang sa Jollibee. Natutunan ko din na hindi magandang tawaging 'intsik' ang mga instik kasi parang tinawag mo daw silang mga Indio. So i'm sorry. Masarap ang pagkain sa WAI YING. Sa mga eskinita ng Binondo iyon matatagpuan. Tapos nun derecho kami inuman. Sarap uminom ng beer. Sa Anthology kami nag-nomohan. Andun kami malapit sa wall ng U2. I love U2 at nabalitaan ko ding pupunta ang U2 dito sa Manila. Punyetaaaaaaah!!! Pangarap ko makapanood ng live U2. Mahalikan si Bono at si Edge. Ubod ng mahal ang ticket. 10K daw. Paano kaya ito? Mahal ko talaga sila. Naku!! I'll reserve another blog for my U2 adoration. Tapos na ang holy week. Nagpadala na ng comments ang head ko at wala pa akong nare-revise. May 3 scripts pa akong hindi nagagawa dahil nalaman ko lang kamakailan na next week na pala ang taping nun. Tapos may mga meeting pa within this week. Hagard na naman. Tapos magbi-birthday pa pala ako. Parang puyat ata ako sa pagsusulat sa araw ng kaarawan ko. Magpla-plano pa ako ng outing. May acting chuva pa akong gagawin. Haaay. Sa ngayon, i just have to sit down and write. Minsan kasi pinakikiramdaman ko pa ang sarili ko bago ako makapagsulat. Ang daming ganap. Inuna ko pa talaga mag-blog bago magtrabaho. Just to get the motor running. Pero salamat sa Diyos at may ganap. Sunday, 05 April 2009 It's a wrap for MC. :-(Hay.
Nalulungkot ako. After 3 years or so wala nang Marie Claire Philippines. Ito pa naman ang isa sa pinaka favorite magazines ko locally. At kaloka pa dahil ang last cover girl nila ay isa sa mga paborito kong artista locally. I'm the type of magazine consumer who picks up the issue based on 1) Cover Girl 2)Content 3)Art Direction of the cover Basically simple lang ang MC at wala masyadong art direction required. Hindi yung tipong may ethnic feel, futuristic, Mod-inspired etc. Basta picture lang ng cover girl nila na medium close up lang at puro topics. Sa kaso ng MC mas gusto ko ang content niya over the cover girl. Parang babaeng nag-iisip na di pabaya sa sarili ang nagbabasa ng magazine na ito. I think, correct me, this was the first mag ever to highlight common women baring their bodies nang walang kiyeme. It's all about bodies in general and not some stick thin idea that media has pounded on the public's brains. At dahil diyan, napatingin ako at napa-hmmmm,., may sustansya itong babasahin na ito at hindi lang pukihan. Makabili nga. Makalkal nga. ![]() Magazine reader talaga ako. Favorite ko ang Time, Newsweek at Reader's Digest pero depende sa mga isyu at usapan. Dahil bibili ako. At ako yung tipong taong maraming gusto malaman sa mundo. Pag may hindi naintindihang word tinitignan ko talaga sa dictionary kung ano ibig sabihin. Minsan nire-research ko pa sa internet ang topics related to it. Marie Claire gave me that. I fel that with every issue, i learned something. I also like the fact that they have this stand on the RH Bill and because of that mas marami pa akong nalaman about it to support the cause. Gusto ko rin ang mga pa-beauty ek ek nila doon kasi hindi pretentious, just enough for you to give a try and just be daring even for a day. It truly is style and substance. Kaya nalungkot ako nang malaman kong mag clo-close shop na sila. Bakit kaya? Dahil ba sa recession? Dahil ba sa kakulangan ng papel? Hindi kumikita? ![]() Speaking of magazines, I also read Preview kung gusto ko lang magpaka-fasyon to the max. Ito talaga para sa akin ang rurok ng fashion dahil walang patumanggang fashionista ang magazine na ito. Maganda pa ang mga art direction sa covers nila. I also read Rogue Magazine for its content kasi nakaka-loka din itong magazine na ito. It bites up in your ass. Ang talino ng writing. And if you appreciate photography, this is the mag for you. Nagbabasa din ako ng Good HouseKeeping magazine simula nung magka-anak ako kasi maganda at nakakatulong sa buhay ang content though boring ang mga covers nila. Hindi ko gusto ang local Cosmopolitan. Dahil walang ibang tinuro sa babae kundi makipag-sex, mag-blowjob, humingi ng oral action from their man, magpa-quiz nang magpa-quiz kung ikaw ba ay clingy or not. Pwede ba?!! Nagfe-feeling liberated. Akala nila ang mga babae sa Pilipinas ay walang ibang inisip kundi titi titi at kung paano mapasarap ang mga puke nila. Paano mo mai-aapply ang corkscrew type of blowjob sa buhay mo aber? O siya. Kelangan nating mag-sex pero hindi kelangan i-sampal sa mukha ko sa magazine na ganito ganyan tapos i-ano mo! Hay nako. Ewan ko ba. Hindi ako conservative ha... pero OA na kasi. Tapos ang mga covers nila ay photoshop pa. (though lahat naman ata ng mags ay photoshopped na) Hindi ko papabasahin ang anak kong babae ng magazine na ito. Naiinis ako sa kanya. Kung gusto mo ng sex na babasahin, ayan ang FHM at Playboy. Better yet maghanap ka ng lalake or kalabitin mo ang asawa mo't mag-sex kayo. I-discover niyo kung paano niyo ma-sasatisfy ang isa't isa through experience and not through this magazine. Ayun. Wednesday, 01 April 2009 It's been a year... whew!I almost forgot that I've been married for a year just yesterday. R reminded me.
I'd like to note that i have discovered more about myself and my husband's too. He gave me the staples. ![]() ![]() I'm not yet used to putting a different surname. My signature hasn't changed much. Sexdrive has waned--- which is normal but i'll get back to my old feeling virgin self one day. I don't know if i was a good wife for the past year. I guess, i have to ask my husband about that. It's just a year. It's almost nothing. We'll see what happens after 15 years or so. Will i be blogging about that? Maybe on a different address. All i know that marriage is work and play. Happy Anniversary my dear. I hope to discover more things with you. |
This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me... |