|
*** gengki the newbie ***
|
|
Tuesday, 20 October 2009 a few of my favorite things..Finally nakalipat na kami ng bahay. And i would never have dreamt of owning a house and even being so Martha Stewart about things inside the house. I've been spending time mostly on home shops checking out curtains and pillow covers pati turnilyo isama mo na. Dati kasi puro sa damit at sapatos lang ngayon mas excited na ako sa texture ng sofa at table linens. Lahat talaga ng bagay pinagdadaanan.
Lately ito ang mga favorites ko: ![]() Mga punda ng unan na parang color coordinated na hindi. Cute sila tignan in actuality lalo na pag tinatamaan ng araw sa umaga at nakikita mo si Musa naglalamyerda sa mga yan. Nakaka-relax sa mata. Next. ![]() This leaf print ay punda rin ng isang humongous na unan. Swak siya at napakasarap sa likod. Bagay din siya sa overall feel ng bahay with the sofa and the throw pillows. Next. ![]() This is a flower design pattern on our table cloth. This design reminds me of old Vigan and Ilocos and i like flowers kahit di halata. The table cloth linen looks like a sosyal na katya na cream colored. Sa tingin ko hand made itong deisgn na ito. Ayan muna. These are not a few of my favorite things lately: 1. COMELEC office sa QC Hall-- nagpa-register ako at ubod ng haba ang pila. ubod ng pangit ang opisina. kung hindi pa ako buntis hindi ako matatapos in an hour since they give priority to the senior citizens and to the knocked up like me. San ka maghihintay for your forms? Sa ilalim ng puno ng santol! Aba't hindi ba makapagpagawa ng yero at upuan man lang para dun maghintay ang mga utaw? Sa buong distrito ng north fairview, lagro at 5 pang baranggay, ilan ang computer para kuhaan ka ng ID at biometrics? Tumataginting na isang piraso! My God! This is QC for crying out loud! Ganito rin ba sa Makati? Haaay. Buti na lang talaga at buntis ako. Buti pa sa NSO, napakabilis ng mga pangyayari! 2. Contractor sa Camella- Hindi ko siya mahagilap. Tumutulo ang aming chupanggang shower head pero di ko pa rin siya mahanap. Wala pang saksakan ang aircon namin tapos yung sa security lagi kaming pinupuntahan dahil daw yung mga aso namin (Luna and Celestina) ay dapat daw itali at hindi pwede gumala. Ayusin niyo muna ang banyo namin!!! Friday, 09 October 2009 There are things...There are things you take plunge to because the pool has already been set.
-- ikaw na lang ang hinihintay. pikit mata mo siyang nilusong dahil malakas ang tiwala mo sa sarili mo. isang bagay na pwede mong pagsisihan hangga't sa magka-apo ka na. gaya ng shotgun marriage or kasing simple ng pagbili ng isang bagay na maganda pero hindi pala bagay sayo. ikaw na lang ang hinihintay, tanggalin mo ang mga mata mo para kung ano mang dumi ang makita mo ramdamin mo na lang pero huwag mo na pansinin. parang nagpakasal ka kasi nabuntis ka pero di ka pa sigurado sa lalake. pero andyan na. lusungin mo na lang. ramdamin mo na lang. baka naman kasi masaya. pikit mata. resulta: hindi ako masaya. sige lang. sa dulo rin niyan sasaya ka rin, siguro hindi na lang para sa sarili mo pero para sa ibang tao. ganun naman talaga ang buhay. may mga taong pinipili ang kasiyahan nila at hindi na lang iniintindi ang mga bagay na di masaya. tamang pagkundisyon lang yan. libre naman umiyak.masarap umiyak. napaka. siguro kundi naimbento ng Diyos ang pag-iyak lalong malungkot ang mundo at lahat tayo ay naging sibuyas. tumingin ka sa inidoro. seryoso. huwag mo ipikit ang mata mo. tignan mo ang inidoro at ang tubig nito. i-flush mo. sa pag-ikot niya sa mundo ng mga tae, isama mo ang bagay na di nagpapasaya sayo. may magandang tunog sa ending ng pag-flush. nagsasabing---nyeta ka problems and frustrations, diyan ka na. blugudug! at dumighay ang inidoro. pero siyempre sa totoong buhay, di ka pa rin ganun kasaya. pero i tell you, kung matatag ang tiwala mo sa sarili mo, mas maraming magpapasaya sayo. simpleng inidoro nga nakakagaan ng loob paano pa kaya ang iba? kaya importante na ituro sa mga bata ang halaga ng self esteem. nakakatulong siya sa buhay lalo na't parang naka-trap ka sa sarili mong mga desisyon. kaya lusong lang mga kapatid. pikit mata. kahit umiiyak pati ang ilong mo, sige lang. napakadaling hanapin ang happiness sa mga maliliit na bagay. magtiwala ka lang. |
This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me... |