HORNY AT 8AM
Hindi ko nga maintindihan eh. Bakit ba tuwing sumasapit ang alas-otso ng umaga habang nakasakay ako ng MRT nagnanak-nak ako ng kalibugan? Wala namang in-flight porn doon. Puro dyaryo naman ang nakikita ko at syempre hindi naman Busero at TikTik ang binabasa ng mga tao. Lahat ng tao bad trip at nagmamadali. Maayos naman ang damit ko, naka-pearls pa nga ako paminsan eh. Hindi naman ako gutom para maging karnal sa umaga. Pero napansin ko talaga na pag-pasok na pag-pasok ko sa MRT papuntang Ayala, lahat ng mga malibog kong nakaraan ay parang nag-gre-greet sa akin ng magandang umaga. Kaya ayan, paminsan napapangiti tuloy ako mag-isa.Parang, somwehere in my detached youth I was once that. Lustful.
Palagi naman akong nagco-commute eh. Gusto ko sumasakay ng jeep, lalo na sa QC. Hindi ako gaanong at home sa mga bus, feeling ko para akong dressed chicken. Kelan lang ako nasanay mag-taxi nang dahil na din sa mga maaarte kong kaibigan na ayaw maalikabukan. Bago pa ako lumipat ng workplace sa Makati, sumasakay naman ako ng MRT. Pero hindi sa umaga at hindi 8 am.
9pm. Pauwi. Sumakay ulit ako ng MRT matapos kong lustayin ang pera ko sa Timezone. Maraming lalaki. Natulala pa ako sa billboard ni Jay-R sa Cubao na nag-iinvite sa isang show ng mga pantit brip. Hay, ka-gwapo. Ha! Pero wala! Wala pa rin. PG-13 pa rin ang mga tumatakbo sa utak ko. Gusto kong mag-isip ng bastos pero di ko magawa. Sayang. Medyo chilly pa naman ang aircon sa MRT ng ganung oras. 9pm kasi yun eh, tapos gabi pa.
Hmmm... siguro napupunta sa akin ang mga tension ng mga tao sa umaga. Yung mga routinary MRT people going to Makati and Ortigas everyday. Siguro kinagabihan eh nakipag-love making sila sa mga jowa't asawa nila pero di na nila na savor yung morning after effect kasi nga papasok na naman sila sa trabaho. And since bago pa lang ako sa routine na ito, sa akin napupunta ang mga morning after effect nila. This must be the best baptism of fire I have ever gone through. Transcendental pa. I make up for their non-chalant glow and smile. I am an accidental absorber and harrower of their urges.
Wait, hindi ako pwede magtagal sa trabaho ko sa Makati.