*** gengki the newbie ***

Monday, 10 January 2005

GRABEEEH!!!

pakShet!

Totoo na to! Todo naaaahh!

Para akong tanga. Nawala ang lahat ng pinag-aralan ko sa pag-arte at pagtuturo kung paano umarte. Bigla akong napaayos ng buhok sa sobrang kaba. Kumabog ang puso ko.  Grabe talaga! Gusto kong sumabog at sumunggab sa sobrang ewan. Feeling ko nag-blush ako. Uminit ang batok ko. Hindi ko alam kung natutuwa ako pero ang ngiti ko ay iba sa mga nakaraang ngiti sa tanang ng pamumuhay ko dito sa mundo.

Para akong haiskul. Di ko nakayanan. Lahat naman kinakaya ko. Nawala ako sa aking balance of the world. Umaapaw ako. Kumaripas ako ng takbo at dali-daling tumawag sa celfone. Napa-inom ako ng kape. Buti na lang nakapag-toothbrsuh ako. At naka-pag concealer. at nakapag-blush ng konti. at nakapag-lip balm.  

Pumunta ako ng CR. Maluha-luha. Umupo ako sa toilet bowl para lumuha ng tahimik. Tumawa ng tahimik. Nakidalamhati pa ang mga uhog ko. Lumabas ako sa cubicle na may ningning sa mata. Inayos ang sarili. Tinitigan ko ang sarili ko ng matagal sa salamin. Para akong tanga.

Kinausap ko ang sarili ko at ang sabi ko:

"Aasawahin kita..."

Shet. Para akong tanga.

posted by gengcooker at 18:15 | link | comments (2)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...