*** gengki the newbie ***

Wednesday, 09 February 2005

ANG KATAPUSAN NG KANGARAGAN

At nakakapag-suot nako ng heels ngayon. At nakakapag -palda na ako with matching lace na isang hulas na lang pwede nang night gown. At nagagamit ko na rin ang lipstick na binigay sa akin ng tita ko 2 christmases ago. at nakaka-inom nako ng mahigit 5 beer ng walang sumusuka't pumapanget. at nasusuot ko na rin ang mga hikaw kong matagal na nagtampo sa mga pa-safe image kong accessories. at nakaka-panood na rin ako ng mga premier ng pelikula kasama si leila. at kayang kaya ko na maglakad na para akong si Gisele Bundchen. at halos araw araw ay nahihiga ko ang pasaway kong likod sa aming egg-shell inspired na kama.

Our run of the mill showbiz factory show has ended.

Di mo nako makakasalubong na naka-litaw ang isang strap ng bra ko. Di mo na ako makikitang oily ang hair ko. Di mo nako makikitang naninilaw ang ngipin. Di mo na ko makikitang naka-dikit palagi ang cellphone sa tenga ko. Di mo na akong makikitang nagpupumilit rumampa ng alas tres ng umaga. Di mo na makikitang nakasimangot ng di ko napapansin. Binigyan ko na rin ng sick leave ang mga running shoes ko. Nahimlay na rin sa kikay kit ang mga itim kong gomang ginagamit na panali sa buhok. Sapagkat lugay ever ang lola mo with matching crystal barrettes.

Maayos na ang buhay ko ngayon. Payapa at tumatakbo ang sariling ilog ng aking buhay sa aking bagong assigned na trabaho. Parang may tumutubong bulaklak sa bawat hakbang ko. Lagi na akong naka-itim na bra. Nararamdaman ko na ang init ng araw at ang usok ng Manila. Nakakapunta na rin ako ng Makati paminsan minsan. Napagbigyan na rin ulit ako umarte pero ito'y ibang istoryang mapait.  

At kung pagpapalain ako ng Diyos. Sa tingin ko, tumitino na ang lovelife ko.

posted by gengcooker at 10:38 | link | comments (4)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...