*** gengki the newbie ***

Wednesday, 09 March 2005

TITIKLOPIN KITA

Grabe. Nanood ako ng play sa tapets. Weird. Shet talaga ang feeling.

Although it was never a shet feeling pero kasi some things happened between me and my love. ok, ititigil ko na nga ang mga personification at metaphors ko. I refer my love to theatre. I had to let go---muna. It was never a mutually beneficial deal kasi para akong nabasted. Hay, my gosh. On that night that they talked to me on what to do about my life, i felt like all my dugong buo wash down my vagina. Alam mo yun, i-triple mo pa. Kasi i never saw it coming and i felt robbed (so anong connect ng puke ko don?). To put it in more dramatic setting--- para akong itinakwil.

Ah yes. The nerve of myself to state that. Tinakwil. It was my final blow and i won't give a damn if it doesn't rhyme with what my feelings were. Medyo matagal na ring nangyari to pero ngayon ko lang naisulat kasi masakit. Hay nako, buhayin mo na si Anna Luna at iba pang di pumatok na Telenovela, pero ito talaga ang naramdaman ko--- masakit. May kasama pang musical scoring yan na pang Lovingly yours nung panahong natapos ang meeting tungkol sa desisyon nila sa fledging theatre life ko. Ang iyak ng lola mo talaga. Luha with the bold lettter L.

"Bwakanangshet na gobyerno to eh". At ayan ang naisip ko. Hehe. Actually, it all boils down to that. If artists were given a fee proportionate to their talent then artists could be richer.  Kaya nga talent fee de bah? At siguro medyo mayaman na rin ako ngayon. Oo na feelingera na kung feelingera pero at least may pinaghuhugutan ang feelings ko at alam kong totoo yun. Anyway, ang saklap pa rin. MAhirap lang naman ang bansa natin at bulag ang mga tao. Grabe, so deep na ang mga pinanggagalingan ng mga frustrations na ito.

Then naisip ko: sana di na lang ako nanuod ng channel 9 at nakita ang Ms. Saigon nung bata pa ko. In that way, di nako nangarap na tumayo sa entablado. Escapism is the art of going inside.

Grabe. Nanood ako ng play sa tapets. Weird. Shet talaga ang feeling. Kasi dapat ako yung andun. Kaya iyak na naman ako. Labas ako ng fort kasi baka makita akong nag-iinarte. Dun ako sa labas kasama si Jose Rizal at nag-iiyak. Ang babaw ko talaga. May panyo pa ako. I folded it in different ways while crying. Upon the last fold, i kept it inside my pocket.

 Titiklopin muna kita kasi balang araw pag maayos na ang lahat, lalabas ka rin.

posted by gengcooker at 10:25 | link | comments (3)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...