*** gengki the newbie ***

Saturday, 09 July 2005

BOY NEXT DOOR

 

Hindi lang talaga ko siguro mahilig sa artista. Siguro depende rin sa artista.

Sige na nga.

Iba talaga ang feeling kapag natitigan ka ni piolo ng 3 seconds.

eh yung nakasabay mo si Jericho sa elevator mula third floor hanggang ground at dalawa lang kayo?

At kahit nahulihan ng drugs at kung sinong laos na artista ang pinatulan niya, iba pa rin ang enerhiya ni ate guy sa buhay ko. 

At syempre walang makakapantay sa pagka-tiklop ko sa mala-aparador na aura ni ate shawie.

Jologs ko noh?

 

 Ateng, tao lang ang lola mo. Dugo’t balat kinikilig.

The rest are wallflowers that adorn the boob tube with delusional realities. Mwa-haha!

Pero ito kasi di naman talaga artista.

Bakla. Kalbo.Bisaya.Atenista.Social Climber.Sikat.

 

Baklang Kalbo. Hehe. Syempre kilala niyo na kung sino siya. He’s the quintessential gay ika nga. Alam mo na nasa ibang hanay ng kasarian ang anak mo kapag idol niya ito. Bakit hindi? Isa siya sa mga may hawak ng bandera na ang mga bading ay hindi lang iniluwal upang maglandi-landi kundi gumawa ng marka at mas lalong lumandi.

 

Bisayang Atenista. Typikal ang kwento niya bilang isang promding may dugong asul. Mahilig siyang magkwento tungkol sa mga youth days niya sa Samar lalo na kapag nagmi-miting kami. Nagtanim daw ng sama ng loob ang kapatid niya sa kanilang ama noong pinag-aral siya sa nursing school na pag-aari ng asawa ng mayor sa lugar nila habang siya daw ay sa Arneyoh. Matalino kasi itong Waray na to eh. Kaya nga naka-pasa dun sa may sabungan diba? Pero minsan dahil na rin sa societal and financial consequences, di rin niya nagagamit ito in full use. Aminin mo, lahat tayo may isyung ganyan sa buhay.

 

Social climber na sikat. Aminado siya at alam niya kung paano gamitin ang kasikatan niya para gumawa pa ng mas mataas na hagdanan.

 

Halos anim na buwan ko na rin itong nakasama eh. Di ko pa nga siya gusto noon kasi marami akong friends na di siya feel. Pero in fairness naman kay bakla, alam niya kung anong gusto niya at di siya imposibleng tao. Pag galit siya galit siya. Magmumura’t magbibisaya yan at kebs niya kung sang high society restaurant pa niya kami pinapalamon. Parang nakakahiyang pumalpak sa kanya. At kahit pumalpak ka alam niya na tao ka lang.

At alam niya ang tamang spelling ng pangalan ko. Walang H at hindi J. Yun ang importante.

 

 Isa siguro siya sa mga dahilan kung bakit nagtya-tyaga pako.

posted by gengcooker at 12:08 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...