Sunday, 17 July 2005
TEATRO TEATRO AT TEATRO
Gurl, nood ako ng play kanina lang dito sa UP. Yung St. Louis Loves Dem Filipinos. In fairness ha, isa-isang nahuhulog ang mga anti-American signs. Kasi itong play na ito ay tungkol sa mga lintek na mga kano noong 1904 na ginawang OFW yung mga Bagobo, Tingguian at ilang natives. Maitim, makulay, inosente. Ayun, na-exploit tuloy sila. Naghahanap kasi ng mga kakaibang act ang mga kano. World Exposition fair daw. Leche. Circus Act pala. At syempre musical siya--- it's the same as the ending of all the musicals in the world. May redemption sa dulo.
It's one of those plays that makes you want to be great. It's one of those plays that make you want to dig deep and appreciate your own.
Sige. Banggit tayo.
Jesus Christ Superstar-- medyo 70s pero redemption pa rin ni Christ ang isyu sa dulo. Maganda naman. TYpe ko yung mga kanta ni Mary Magdalene. Although nagkaasaran kami ng Tita kong relihiyosa sa play na ito. Blasphemous daw na gawan ng musical ang buhay ni Kristo. eh anong tawag mo sa pasyon? Original sin?
Rent- yung seasons of love. ANg ganda ng kantang ito na pang-finale sa isang play na puno ng human complications. Pano mo nga ba mame-measure ang halaga ng buhay ng tao? kung ilang kape ba ang nabili niya sa Starbucks? Kung ilang prutas ang nakain? Kung gaano kadami ang na-shed niyang pounds? Ilang tao ba ang natulungan niya? O ilang tao ang napangiti niya? Ano nga ba? Deep noh? Parang gusto mo kumanta at sumama sa ensemble.
Les Miserables- akma ang kantang iyan ngayon. Nakalimutan ko yung title pero ang umpisa ay napaka-powerful... Do you hear the people sing? Singning teh song of angry men. It is the music of the people who will not be slaves again.. Yan ang Finale. Sana ma-apply natin yan sa sarili nating buhay. Or baka forever na lang tayong Les Miserables.
Himala-- ang ending song nito ay swak sa kalamnan. kaso isa lang ang audience niya, para sa mga taong hindi marunong mag-appreciate ng paligid niya. Mga taong humihingi na lumuha ng dugo ang birhen, magpakita ang anghel sa langit o umulan ng bato para lang malaman na may Diyos. ANg sabi kasi ng song, ang pag-iyak ng anak at pagbuka ng bulaklak ay matuturing nang himala kasi nasa puso ang himala. O di ba? San ka? Ang deep...
Sana may Finale song na rin tayo sa dami ng isyu ngayon..
hay, nood na lang tayo ng play
|
This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...
|