*** gengki the newbie ***

Saturday, 22 October 2005

what?

ok. hindi ko maintindihan pero iba ang energy level ko ngayong araw na ito. hindi mataas. hindi rin mababa. feeling ko kelangan kong pumasok sa isang anger management therapy. naiirita ako sa mg maliit na bagay at hindi ko alam kung bakit. Kanina sa MRT. nakalugay ang buhok ko, paglabas ko ang daming babaeng mahaba ang buhok at nakalugay din kaya pinusod ko na lang ang buhok ko para maiba naman. at medyo nainis ako sa idea na bakit ang daming mahabang buhok na babae dito sa Pilipinas.  at isa na ako dun?  di siyempre nainis ako sa buhok ko.

Tapos pag pasok ko sa POwerbooks, tumitingin ako ng libro may mga taong binabangga ang bag ko so lipat ako dun sa hindi mataong part ng powerbooks, ayun may nagtakbuhang mga bagets sa harap ko. napundi talaga ang utak ko at parang gusto ko dalhin sa DSWD tong mga lintek nato. And then na-realize ko di naman ako madalas ganito... dati nga nasisiko pa ko sa pimple ko di naman ako nagrereklamo. speaking of pimple, isa pa yan sa mga kinaiinisan ko, may 4 na pimple akong nag-blemish around my mouth area na mukhang moo-moo o kanin na nangitim at isa na mukha pang kulangot na natuyo.

syempre napatingin ako sa malalaking salaming naka-balandra sa Yoshinoya at habang kumakain ng pira-pirasong beef, nakikita mo ang sarili mo na ang panget panget. naapektuhan na naman ang mood ko. hindi ito dapat, may i-interviewhin pa naman ako mamya baka lalo lang akong mabanas

so, ang ginawa ko pumunta ako sa gen. psychology section ng powerbooks. kinuha ko yung librong "how to be happy, dammit' may dammit pang kasama sa title. ayun binasa ng konti.  medyo na engganyo. inayos ko ang buhok ko sa magandang pusod at nilagyan ng diamond na barrettes at dumiretso sa internet shop para ilabas ang lahat ng nararamdaman ko sa blog ko.

medyo ok na.

posted by gengcooker at 04:12 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...