*** gengki the newbie ***

Tuesday, 20 December 2005

WHOOSH WHOOSH... ET AL.

Umattend ako ng christmas party kagabi sa bagong home station ko.YUP. totoo na to. College pa lang ako gusto ko nang magtrabaho para sa GMA. Hindi pa siya number one noon. Ang saya saya talaga ng feeling. Kaso wala naman ako pera. Naubos diyan sa punyetang pag-apply ng passport at visa na wala namang effect.  at may issue kasi ako sa pag-iipon. Di tuloy ako nakabili ng regalo para sa kanila. Ang sarap pa namang regaluhan ang mga taga-GMA. Parang wala lang pag binigay mo pero pagdating sa bahay umiiyak sila sa mga regalong natanggap. Sinayaw pako ng assistant director namin. Buti na lang ska yung tugtog dahil medyo bahala na ang mga steps nun eh. Nalasing ata ako. 5 beer ang nainom ko matapos ang mga cleansing stage ko kaya medyo hilo agad ako. Naakbayan ko tuloy yung isa sa mga super bossing namin na parang inuutangan ko lang. heek!!

Tumawag si Gilgamesh. After all this time na kadalasan tumatawag lang kapag gagawin niya akong requestor sa MYX. haha! Well, tumawag siya at sabi niya na dedz na ang moodrahbel niya. Hindi naman siya humahagulgol dahil para san pa ang umiyak da ba? Well dapat pala umiyak siya kasi nasa tate ang bakla at di maka-uwi. Ewan ko. Parang naipasa niya sa akin ang kalungkutan na iyon. ako tuloy ang umiyak para sa kanya. Ewan ko ba. Ganun ata yun.

Tumawag pala yung isa kong friend na taga-ABS. Magre-resign na daw siya ngayong gabi. Di pa daw niya tatapusin ang taping. Ang galing noh? Tatawag siya sa akin at mag-uusap kami ng mga 9minutes sa cellphone para lang sabihin kung gaano na kakupal ang mga katrabaho niya. At di kami masyado nag-uusap nito noon ha. Tinawagan niya ako para lang magreklamo. Mukha ba akong complainant's desk sa pulis? Mabuti yan. At least may decision making processes na naganap sa kanya.  sabi ko nga sa kanya na wag kang magsusungit pag lumayas na siya. Parang gusto pa niya sapakin yung bading kumukupal sa kanya.

 Pag nag-resign ka dapat naka-ngiti. Dapat kalmado. Ibigay mo ang  resignation letter ng may ningning sa mga mata at kapayapaan sa puso. Ibig sabihin non, mature ka na at alam mo na ang gusto mo sa buhay. Ibig sabihin hindi ka na pwedeng lapastanganin ng mga taong hobby na ang mag-pahirap ng buhay ng tao. At dahil hindi ka ganon, wag ka ring maging ganon.

Haay.. ang simple simple lang ng life...

Ngayon, andito ako sa computer shop at hinahanap ang mga kamag-anak ni Chiquito.

Merry Christmas!

posted by gengcooker at 06:01 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...