ANG RESOLUTIONS
Hindi kasi ako naniniwala sa resolution kaya never ever naman akong gumawa except nung elementary kami at pilit kaming pinapagawa ng teacher namin. Mantakin mo, redundant ang resolution, may solution na nga tapos gagawa ka pa ng isang solution from that solution kaya medyo nakakahibang ito. Anyways, na-realize ko moblization ang dapat kesa sa resolution. Gumalaw ka. Yun lang ang tanging paraan para matupad ang mga hiling. Na siya namang ginawa ko, matapos ang ilang senyales mula sa langit.
Unang sign, may tumawag sa akin, taga-Fitness First daw siya, i-try ko daw ang pinaka-bago nilang gym sa Makati. Natawa lang ako. Gurl taga-QC ang lola mo at hindi ako magMRT papuntang Makati para lang magpapawis. Nirecommend daw kasi ako nila Chawdi at Lebanis na mag-try. So, ibig sabihin pala isa ako sa top list for recommendation na magpapayat? Anyway, it just gave a thought na why not kumilos at mag-exercise. Ayun, kagabi matapos ang aking afternoon siesta na inabot ng alas-siyete ng gabi. Sinuot ko ang kulay blue kong Puma shoes, nagsuot ng jazz pants na itim na wasak na ang zipper kaya tinakpan ko na lang ng supersized t-shirt na pag-aari pa ata ni Toper. May dalang cash na 100 pesos at cellphone, nagtatakbo ang lola sa UP oval ng alas-otso ng gabi. Buti na lang malaki ang t-shirt na suot ko at hindi kita na wala akong zipper. Mukha akong ina na kagagaling lang sa post-partum depression. 2 round lang ang kinaya ko. Siyempre hindi naman tuloy tuloy yun kundi nanuyot ang balat ko sa pagod.
Ganito ang routine:
Jog-Stop-Walk-Stop-Walk-Jog-Text Message incoming-Walk while texting-Jog-Jog-Jog-Tambay sa Tennis court-Jog-Stop dahil may nagtanong ng directions-Jog-Inom Tubig-Kain squid Ball-Commute-Uwi-Plakda.
Pangalawang sign, habang nag-aayos ako ng gamit sa aming marumi at maalikabok na apartment, nalaglag ang tennis racket ko. Kanya nga naman feeling ko isa siyang sign na kelangan ko nang magbalik loob sa tennis. Tennis addict ako noon. Nagtutuklap na ang balat ko pero laro pa rin ako sa isang open air court sa likod ng school namin nung highschool. Puro lalake kalaban ko. Naging pustahan pa namin yung tickets ng Miss Saigon in Manila. Sobrang idol ko si Steffi Graff ng Germany dahil ang lakas ng backhand ng punyeta. Inis na inis naman ako kay Anna Kournikova dahil walang talent pero andaming fans. Tapos nag-retire na si Steffi. Naging jowa niya si Andre Agassi. Tapos na rin ang career ko sa pagte-tennis dahil alam mo na... haay.. pagtumatanda ka nga naman... SO di ba, nagjo-jogging nga ako sa UP, napa-daan ako sa tennis court at tumambay na parang batang nanonood ng TV sa kapitbahay. Nagtanong na rin ako sa mga pulot boys. Bukas itry-try ko ulit mag-tennis. 260 lang naman eh. Baka ma-addict ako ulit! Ang sarap ng tunog ng bolang tumatama sa raketa. Nanggigigil ako!
O siya. Nagpa-facial pala ako. Ang sakit niya grabe. Malapit na kasi bumalik si Frenchy kaya kelangan panggi-gilan niya din ako, Hehe.