*** gengki the newbie ***

Thursday, 19 January 2006

ITO NA NGA ATA YUN...

Kanina lang habang nagrere-search ako ng magandang love story para sa aming show, nakabasa ako nung webpage ng mga Amerikanong mahilig mag-asawa ng mga Pilipina. May isang kwento dun ng isang American soldier noong world war 2 at ang isang laundrywoman ng kanilang camp. Kung paano sila nagkakilala... nagkagustuhan... nagkahiwalay dahil sa war... tapos sinusulatan ng Amerikano yung Pilipina... Natanggap kaya niya? Naisip kaya nung babae na baka isa lang siya sa mga Amerikanong malungkot at mahilig makipag-relasyon sa PInay? Asan na kaya yung girlfriend niya noon? Baka may pamilya na... Naisip kaya ng babae na pilit siyang hinanap ng Amerikano? Baka naman namatay yung babae matapos ang war? Nawala ba niya yung address? Nakarating ba ang mga sulat?  Ang ganda ng storya... Ang sakit... Baka hindi lang talaga para sa isa't isa at ayaw sila pagtagpuin... Sabi nung AMerikano napaka-painful daw ng romance na iyon... parang nag-hang ang love... parang nasa limbo... walang closure... its very helpless dahil it either won't grow or even die a natural death...

And then naisip ko ang akin.

Ito na nga ata yun. Hindi na siguro lingid sa kaalaman ng marami at ilan sa aking mga kaibigan maging sa aking poodrahbel na ang taong mahal ko ngayon ay isang foreigner. Isang French. Hindi naman ako mahlig sa lalaki lalo na't sa foreigner. Nung nagkakilala kami ang tingin ko sa kanya ay foreigner na mahilig lang sa mga maiitim na Pilipina, although di naman ako mukhang katulong noon.Nung nagka-usap na kami hindi na foreigner ang tingin ko sa kanya kundi lalaking mahilig makipag-kwentuhan in English. Sino ba naman mag-aakala na mai-inlove ako sa kanya? Siya na marahil ang pinaka-matagal kong karelasyon. Hindi ko maintindihan kung paano kami nagkakasundo.

Mas marami siyang naging problema sa akin kesa sa ako nagka-problema sa kanya. Narealize ko ang aking weak points sa pakikipag-relasyon. Never naging issue ang cultural differences. Pero kami pa rin. Napaka-bait niyang tao na halos kitang kita kung gaano kaitim ang budhi ko paminsan.  Madalas pag magkasama kami lagi kaming tinitignan ng tao dahil alam mo na ang stigma ng foreigner at Pinay... pera lang ang habol. Masaya kaming kumakanta at nagpapanggap na mga bading. Walang selosan, walang text-text na kumain ka na ba?, kung ayaw mo wag mo't walang pilitan ang isa sa mga tema ng relasyon namin. Kaya ayun kung gusto niya gumimik eh di gumimik siya mag-isa, tulog lang ako.

Nakakapagtaka pa dahil maraming nagkakagusto sa kanya na never ko namang naging issue. Minsan may isang may crush sa kanya na inimbita siya sa birthday party, eh magkasama kami siyempre hindi ako invited dun. Dumating yung nag-imbita at nakita ako. Deadma. Sinabi ko kay Frenchy na umattend ng party. Naiwan akong nagbabasa ng magazine sa Starbucks. Umuwi si Frenchy at sinabi niyang nagiiyak daw ang babaeng may crush sa kanya dahil na-guilty dahil hindi ako inimbitahan at iniwan ako sa ere ng mag-isa. Dapat daw inimbitahan na lang ako tutal magkasama naman kami. Sabi ko ok lang. Bad trip nga lang yung babae dahil di siya consistent sa mga actions niya.  Sa lahat ng ayoko yung obvious na plastikan at inconsistency of motives. Mas gusto ko pa talagang dindeadma na lang ang presence ko kesa inimbitahan ako sa party. Tapos ngayon iiyak-iyak dahil guilty. Nyeta.

Pero ito na nga ata yun. 3 buwan na kong long distance relationship simula nang bumalik siya sa Paris. Ang hirap hirap. Humahagod sa dibdib. Sumasaksak sa kalamnan. Natatakot ako baka sumuko siya or ako. Ok lang naman ako sa mga struggle and drama sa relasyon. Pero grabe namang struggle to. Nakaka-drain. Masakit maghiwalay dahil hindi kayo magkaroon ng paraan para magkasama. Napaka-helpless. Buti sana kung may ibang babae or lalake na involved, or bakla siya at tomboy na lang ako bigla. Pero yung dahil hindi kayo magkasama... parang nakaka-loka. Nakatira lang naman kayo sa iisang planeta, isa lang naman ang araw na nagpapa-init sa inyo pero di kayo magkatagpo. Minsan, naisip kong maipaghiwalay na lang para walang matinding drama. Tapos hanap na lang ako ng lalaking may permanent residence sa Pilipinas. Pero totoo nga yung sabi ng kanta na you can't find the words to say goodbye.

and sabi pa nga nung Amerikanong nagsulat sa webpage na swak na swak sa akin na parang ringless na three-pointer sa basketball: To others I can only recommend that you hold your lover's hand tightly, and thank God for each moment you are together, and that you keep your eyes on hers. Don't ever let true love slip away.

Tama na. Masyado nang makapal ang eyelids ko. Ilabas na ang mga batya.

posted by gengcooker at 17:08 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...