*** gengki the newbie ***

Tuesday, 31 January 2006

MEMORANDUM OF AGREEMENT

Manood po kayo ng play ko sa February 21,22 and 23. Ang isinulat ko pong play ay Memorandum of Agreement. Tungkol po siya sa apat na magkakaibigan na pumunta sa isang birthday party. Sa gitna ng kanilang kalasingan at paghahanap ng keso lumabas ang mga intensyon at saloobin ng lahat sa bawat isa.

Meron din po pala akong play kung saan ako naman ay aarte bilang isang babaeng namatayan ng asawa sa "Abuloy". Ito po ay gaganapin sa Rizal Conference Hall ng UST AB Building. Ito po ang ika-25 anibersaryong handog ng aming theatre guild noong kolehiyo ang Artistang Artlets.

I-share ko lang ang playwright's note ko:

MEMORANDUM OF AGREEMENT
By Geng delosReyes
 
Marunong po ako ng grammar at magaling po ako mag-english. Anak ako ng isang writer at isang sekretarya. Pero hindi po ako writer at hindi po maganda ang handwriting ko.
 
Paano ako nakasulat ng play? 
 
Mahilig ako sa drama. Gusto ko ng away. Gusto ko ng masikip ang damdamin. Gusto ko ng may kinikimkim at isasabog na lang sa pamamagitan ng salita. Mahal na mahal ko ang dialogue. Mahilig akong umarte sa salamin at bilangin ang tulo ng aking luha. At dahil sa hilig ko ng mga ganyan nagbuo ako ng mga eksena mula sa apat na tao. Ipinanganak si Arlene, Chiqui, Cromwell at Park. Walang anesthesia yan.
 
May istorya na at mga tauhan pero paano mo tatapusin ang play? Ang 10 pahinang first draft ko ng Memorandum of Agreement ay umabot ng higit pa sa 20 pages dahil sa sinabi sa amin ng aming facilitator na si Rody Vera. Feel the pain of your character.
 
Pain. Gusto ko yan. Nakagawa ako ng isang one act play based on the pain of my characters. Ang sarap. Catharsis. Habang tina-type ko ang script sa computer ng tatay ko, binabasa ko siya ng malakas at inaalam ko kung saan ba nanggaling yun? Bakit niya nasabi iyon? Asan ang pain doon?
 
Pero ang theme namin ay love. But love is pain and pain is love. Love becomes desirable because of pain. Pain makes you feel alive and that  is Love.
 
Sabi nila ang first play mo daw ang baby mo. Ang representation ng sarili mo. Kaya kapag hinati mo sa apat ang ang katawan ko at nag-regenerate sila. Ako si Arlene, Chiqui, Park at Cromwell. 
 
Ito ako. Ito ang mga pag-ibig ko.
 
posted by gengcooker at 15:00 | link | comments (2)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...