*** gengki the newbie ***

Thursday, 16 February 2006

Censorship

Noong isang gabi, pumunta kami sa isang inter-collegiate beauty pageant ng UST. Ito yung Mr ANd Ms Thomasian Personality. Ang ganda! Ang taray! Yung kasama ko kasing si chubibo ay nililigawan si Ms. Accountancy. Ako ok lang sa kanya pero mukhang brittle ang bones nung gurl. Ewan ko ba ang daming lalaking mahilig sa mga babaeng mahinhin, pa-english effect, right type of foundation over a natural swept blush na mukha, long reed thin hair na walang balakubak at payat. I have nothing against them except for the right type of foundation over a natural swept blush na mukha tapos sarsahan mo pa ng mga pa-english effect.

Tapos question and answer portion na. Haha! Ito talaga ang meatiest part ng mga beauty pageant eh. Ang tanong nila is What do you like most about in this university? Pero siyempre originally hindi yan yung tanong dahil marami munang situationers na binigay before the actual question.

Parang ganito: UST is now celebrating its 400th year, it is older than the Philippine republic and has greatly shaped and has kept rooted the system of tertiary education in the Philippines, now, as a student, what do you like most in this university? 

Prestige daw. Pwede na rin. Tapos sumakay pa ang isa at sinabing gustong gusto daw niya ang conservative nature ng UST because the world has become a liberated place. As if??!!! Magtigil ka nga dyan. Parang gusto ko siya pasabugin on stage. Anway, those are some hilarious and personal answers and opinions.

Then nagkwentuhan kami ng friends ko after that. Ano nga naman ba ang gusto namin sa UST? Mahirap nga ang tanong. Ako personally hindi ko alam. Hindi naman sa hindi ako proud sa dati kong eskwelahan pero... wala akong maisip. Gusto ko yung mga puno at building. Pero hindi tatanggapin yung sagot ko ng judges. Ewan. Medyo nagtatampo lang ako ngayon sa alma mater ko. Sana hindi na lang masyadong naging catholic. Naiinis ako dahil hindi naaprubahan yung mga play namin sa main student affairs ng unibersidad.

Bakit daw may bakla? Bakit daw kelangan pang ipakita na galing sa mahirap na pamilya yung main character. Bakit hindi na lang gumawa ng play tungkol sa saints. Hindi naman daw tungkol sa pag-ibig yung play. Bakit daw yung bakla nakuha yung lalake at hindi nakuha ng straight na babae. Ewan ko ba. Naiinis ako ngayon. Tinamad tuloy ako mag-rehearse.  Feeling ko babagsak na lang ako't bubula sa kanto kapag ako ang sinabihan ng ganun. Conservative ha. Personally, na-offend ako nang nalaman kong ganun ang tingin nila. I have never rejected my identity as a thomasian. SA UST pa nga ako nag-reresearch. Gandang ganda ako sa mga building. Why are you doing this to me ang drama ko. If anyone should be given some credit it should be small people like me who take pride in their education. Alam kong maraming taga-UST na hindi maaming taga-UST sila or nahihiya sabihin iyon.

THis is my attempt to give back to my motherland. Feeling ko isa akong sinukang ulam. Ewan. Hurt ako. Buti pa ang mga kakilala kong taga-UP na-gandahan sila sa play ko. Ewan. Hurt lang ako.

posted by gengcooker at 09:33 | link | comments (2)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...