PARA KAY J.
Hmm.. lam mo ba birthday ko ngayon. Siguro noon alam mo pa yon. Marahil ngayon hindi na.. ANg lamig na kasi ng panahon baka lamig na lang ang namamagitan sa atin.
Bakit ba kita naisip? Actually minsan lang kita maisip. Siguro sa loob ng isang taon 3 beses lang kita naiisip. At alam mo everytime na naiisip kita napapatayo ako sa kama at napapabasa ng libro... sana lunurin na lang ako ng salita at letra na makita ko... ang sakit mo kasi isipin.
Inisip ko... iniisip mo din ba ako? Ang tagal na kasi nating hindi nagkita. Kagra-graduate ko lang ng college tapos ikaw nasa last year mo ata ng engineering na course.
Sa Mcdonald's Intramuros. Hate na hate ko ang Mcdo dahil hindi ko gusto ang interiors, para akong kumakain sa loob ng banyo. Nagkataon dun lang kami nagkita ng kaibigan ko at nagkataon na dun pa tayo nagkita, muli. Sabi mo nag-iba na ako. Well, things change and so do people. Sabi mo mas maganda na ako kesa sa dati. Alam ko naman yun.. alam ko namang mas kuminis na ang mukha ko at gumanda ang bagsak ng buhok ko... buti naman napansin mo. Nga pala, di ko na masyado hate ang interiors ng Mcdo kasi para ka nang nasa lobby ng hotel kumain. Sayang hindi mo nalaman na hindi ko feel ang Mcdo noon.
Kumusta ako? Heto meron akong boyfriend na sa kabilang dulo ng mundo ang lahi. Long distance lately dahil nasa ibayong dagat. Mahal ko naman siya. Sa friendster mo single ka pa rin.
Ikaw kasi.
Kulang na lang ibaon ko ang mukha ko sa lupa nang sabihin ko sayong may gusto ako sayo. Ikaw naman yung nauna eh, late reaction lang talaga ako. Super late. Haay, natatawa ako kapag inaalala ko yung incident na iyon. Tibay kung tibay ng dibdib talaga sa pag-amin ang drama ko. Sabi ko bahala na. Leche. Biruin mo ba naman ang nasabi mo lang ay " Thanks ". Grabe. Kung alam mo lang yung kahihiyang inabot ko noon. Para akong atswete sa pula at kahihikbi ng isang linggo. Sabi ko sarili ko " All the best! "
Di mo kasi ako pinagbigyan noon or baka pareho lang nating hindi pinagbigyan ang isa't isa. Siguro nga. Torpe ka noon. Taas naman ng pride ko. Salungat talaga. Pero di mo ba napansin, nahulog mula sa langit ang pride ko samantalang yung katorpehan mo di naman ako sinalo. Ok lang. At least tumibay ang buto ko.
Alam mo 24 na ako ngayon. Sabi ni Poodraks mukha na daw akong 27. Siyempre babaguhin ko na yung Friendster profile ko, yung 23 papalitan ng 24. Mapapansin mo kaya? Tinitignan mo din ba ang profile ko? Yung mga pictures ko? Yung mga gusto kong pelikula? Yung mga librong binabasa ko? Isa ka kaya dun sa mga numerong dumagdag sa viewer profles ko? Kung mababasa mo ba ito mag-rereact ka?
Naisip mo rin ba na ano kaya kung naging tayo na lang?
O siya. All the best!