*** gengki the newbie ***

Saturday, 22 April 2006

AKO AT SI DENNIS TRILLO

Bakit ba naman kung kelan ka mukhang hulas at may deadline saka magpapakita sa harap ng computer mo ang mga ganitong tao? Bakit ba naman sa lahat ng araw na pwede akong maglugay ng buhok, eh naisip kong itaas ang buhok ko nang walang tulong ng suklay at salamin? Bakit ba naman sa tagal ng panahong nagtratrabaho ako sa showbiz eh ngayon lang ako nagpa-picchur sa artista? Bakit ba naman sa lahat ng tatambayan ko eh dun pa ako sa mga white lights tumambay kaya't kitang kita ang mga blemishes ko? Bakit ba naman kasi sobrang lamig ng air-con at naging violet na bibig ko? Bakit parang puyat na naman ako? Bakit? Bakit? Lord? Bakit ngayon pa?

Bakit parang effortless yung katabi ko?

Actually, nagpa-picture din pala ako kay Marky Cielo pero keri lang yun kasi ininterview ko naman siya. Ito kasi medyo nagmaganda pa ako sa friend kong may camera phone. Sabi ko: AYoko ngang magpa-picture sa kanya noh! Then biglang may sumilip at yumukod sa pwesto ko. Napa-yukod din ako napatingin. At siya nga. Siya nga.

Gwapo niya. Sarap niya tignan sa malayo at dalhan ng iced tea.

Kumusta naman ang buhok sa gilid ng tenga?

posted by gengcooker at 18:26 | link | comments (5)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...