*** gengki the newbie ***

Tuesday, 27 June 2006

Pwede ba.

Chika ko lang ha. For the girls.

Ligawin ba kayo? As in yung bibili ka lang ng toyo sa kanto may susunod na sa bahay ninyo at yun na.

Ako kasi hindi. Pero kalahati ng angkan kong babae ay ligawin. One particularly is yung exag na ligawin is my cousin who is a year older than me.

Ganito ha.

Mag-apply lang siya ng trabaho. Bumili lang siya ng kendi at kape sa kanto. Sumakay lang siya sa dyip. Mag-swimming pa kami sa resort na di pa uso ang swimsuit. Mag-OJT lang siya sa isang restaurant  (kasi food tech siya). Makigamit lang siya ng computer sa ibang bahay. Meron tyak at swak sa banga. Isa or dalawang aalamin ang number niya, susundan siya at tatanungin ang mga kasama niya kung sino siya at san siya pwede bisitahin.

Paano ko naman nalaman iyon? Aber, sa akin nagtatanong eh. Natutuwa naman ako kasi effortless talaga tong insan ko nato. Masarap talaga siyang iuwi sa bahay at ipakilala kay mudrah. Maganda ang mata at buhok. Alam mo yun, the works.

Eto pa, may isang Koreanong nagkagusto sa kanya. Mega tawag sa bahay ng Tita ko. Paano ba naman ang shungang Koreano pinakita yung picture ng pinsan ko sa mga parentas niya at sinabing yun daw ang fiancee niya. Shungabelles talaga! 30 times na ngang basted tapos ihain ba sa parents na yun ang mapapang-asawa.  Parang Koreanovela ata ang gusto niyang mangyari.

Which brings me to my point. Bakit ganun? Pareho lang naman kami ng lahi. Bakit ako di ganun?

Nyahahahaha. Uy. di naman ako ganun ka-chaka.

Naalala ko lang yung unang attempt akong ligawan. 9 years old ata ako noon. grade 3-A (star section ini!) First time ko magka-chicken pox. Tapos nung absent ako for 10 days chinika sa akin ng classmate ko na iniiyakan daw ako ni Phillip Lou sa armchair ko. Aba naman.Bakit? Wala pa naman akong red tag para iyakan. Nililigawan daw niya kasi ako. Ha? Obviously di talaga ako aware sa mga ganyan siyempre bagets pako nun eh. Deadma pag pasok kahit puro pekas na ang mukha ko sa bulutong.

Then nung 13 or 14 ata ako. section courage ata ako. May nag-attempt manligaw sa akin. Eh dahil angst ridden teenager ako nun, binoljack ko siya. Sabi ko sisirain ko ang buhay niya. Ayun after 2 years biglang nag-iba ang paningin ko sa kanya at ako naman ang nagkagusto sa kanya. Haay sabi nga nila Life is like a boomerang, it strikes back.

Eto na, nung nag-college ako. (siyet, kinikilig pa rin ako as i write this). There was this very strange enchanting boy like in David Bowie's song. Just popped into my life like a balloon. At di na nag-attempt akong ligawan. Niligawan niya talaga ako. Take note ha. Siya ang nanligaw. Yan kasi ang claim to fame ko eh. Inaantay ako sa labas, bigla na lang susulpot sa mga gilid gilid kung san ako dumadaan. Dinadalhan ako ng yema. At hindi ko siya kakilala, ka-org or kaklase. Then yung ultimate ligaw talaga na ginawa niya is yung tanungin ako kung sino ang favorite authors ko then after an hour bumalik siya at binigyan niya ako ng xerox copy ng mga short stories ng mga binanggit kong authors. Wheew... Yun na yun eh. Pinag-research niya ako sa libe.

Nainis ako eh. Ayoko ng mga pa-sweet na ganyan na walang patutunguan. Tinanong ko siya one fiery night kung may gusto ba siya sa akin. Oo daw. Hehe. Tapos ngayon hindi na kami. Ok lang. Saya naman i-reminisce.    

Bakit ko ba na-bring up yung topic na yan? Meron kasing isang lalakeng matagal nang chumichika sa akin na di ko naman maintindihan kung anong gusto. Puro palandi. Puro " San ka na umuuwi ngayon? Yun pa rin ba ang number mo? Balita ko ikakasal ka na daw? May iba bang nanliligaw sayo? Malay mo nandiyan lang ang lalakeng para sayo, sa tabi mo." Siyempre siya katabi ko.

Like THE. (as in the konyo 'like duh')

Eto pa. Tanungin ka ba naman ng " Anong klaseng gimik ba ang ginagawa mo?"  Wala lang. Nagkikitil lang naman ako ng manok pagkagat ng dilim tapos papahiran ko ng langis ang katawan ko't lilipad na ang isang bahagi ng katawan sa kabilugan ng buwan.

Pwede ba. 

 

posted by gengcooker at 15:18 | link | comments (3)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...