*** gengki the newbie ***

Friday, 18 August 2006

NEVER AGAIN

Whew. Wala na naman akong pera at 5 days to go pa till next sweldo. Andami ko pa assignments at pending. Then may meeting pa na medyo malayo ang meeting place next week. Naubos ang pera ko sa araw-araw na inom at gimik. Medyo matagal ko na rin di ginagawa ito kaya bigla akong poorita kalaw in the next 5 days. kakain na lang ako ng pinakbet sa kanto. Pero in fairness andami ko ngang gimik. at andami kong freeloader moments. di ko sinasadya yan ah.

nanood ako ng devil wears prada for free dahil premiere night ito sa Podium. Connections lang ang labanan nito. Then may free buffet. Sarap. Ganda pa ng movie. Ganda pa ng mga attire ni Anne Hathaway na gumagawa ng comeback matapos ang pagbalandra niya ng suso sa Brokeback Mountain. Walang kapantay ang talent ni Meryl Streep. pag ako naging boss gusto maging Miranda Priestly type. hehe... siyempre uminom kami ni leila sa Bigsky. Ok naman. yun ang bulk ng gastos ko. Kebs na basta may Pilsen.

Then the following day nanood naman ako ng My SuperexGirlfriend for free ulit dahil nga premiere night and another latch of network connections. Kasama ko si AD at Leila. Di naman nakapanood si AD dahil may tinatapos na script. Ok naman yung movie. Medyo langkwenta. pero gusto ko kasi si Uma THurman. gumastos pa ako ng ilang hundreds dahil sa ka-adikan ko sa Virtua Tennis sa Timezone. Talo naman palagi.

Then dumiretso kami sa Saguijo. First time ko doon at mukha lang siyang bahay na may mga waitress na di naman interisado sa rock n roll. Anyway, surprise yun for me dahil bahala na gang kaming tatlo that night. Ok. Ganito ha. I have nothing against rock music especially rock musicians. Pero meron talagang sablay eh. Hindi siguro nila alam yun kasi coool sila. Kasi they sing songs i, from a very masa background, have never heard off. O siya sige na. Cool kayo eh. Pero nagpanting ang tenga ko dahil parang noise pollution yung naririnig ko. Ayoko na banggitin ang banda kasi di naman supersikat. Alam ko naman yung ingay lang sa rock music.

Anyway, lumabas ako ng onti para inumin ang pilsen ko (siyempre na-shock si leila sa entrance ticket na nakasulat na pale/mineral  lang ang choices. Parang yes or no lang di ba?) Hinabol ako ni kuyang guard sa labas dahil bawal daw uminom in the streets of Makati. Oh-Wow! Bahhkeet? Dadamputin daw ako ng Mobile police. O siya sige na. Makati is Makati and i hate makati for that.

Bumalik ako't tumugtog na yung bandang nagandahan ako sa tunog. Rock and roll and all that shitty attitude plus sigaw-sigaw ng konti. Pero ang sarap pakinggan. Hindi yung sarap na soothing music ha. Malinis. Maayos. Parang knife cutting through water. Pedicab yung band. Ok naman pala sila. Natuwa ako.  

Then punta ulit the following day sa Bigsky. Ang lakas ko pang manood ng sine with JP sa gateway... ganda pala yung Kubrador. Inom the next next day sa Xaymaca. Ayan broke ako. Tapos pupunta ako ngayon sa CCP para manood ng libreng play. 

Masarap naman yung pakbet eh.

posted by gengcooker at 07:24 | link | comments (2)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...