*** gengki the newbie ***

Friday, 01 September 2006

HIHIHI...

Meron akong crush ngayon. Matagal ko na siyang crush. Siguro mga four years ago pa. Hindi pa ata ako gruma-graduate ng college or pa-graduate pa lang ako ng college. Di naman ako patay na patay sa kanya kasi during those four years na type ko siya nagkaroon pa ako ng 2 boyfriend at hiwalay na kami nung 2 yun ngayon. Pero nag-remain pa rin unconsciously na may gusto ako sa kanya. hihi...

Di naman kami madalas nagkikita. Nagkikita lang kami pag may birthday or kapag may special occasion like kasal, patay, despedida etc.

Eto ang problema. Tuwing inuman lang kami nagkikita. At tuwing inuman lang kami nagkakausap. Kadalasan kapag inuman mukha pa akong basura. Madalas naman kaming nagkakatitigan kasi parang meron kayong reading between the lines na moment. Alam mo yun? Kadalasan sa inuman tinatanong niya ako tungkol sa trabaho ko.. siyempre maraming nagtatanong tungkol sa latest chismis at kung bading nga ba talaga si Piolo Pascual... alam mo yun? kasi nga dun ka nagtratrabaho... pero sana tanungin naman ako ng ibang bagay... like what's your favorite color... pero siyempre panira yun kasi pag nag-umpisa na magtanong ng mga ganun medyo iba na yung level... kaya siguro leveling muna kami sa mga tomahan...  minsan nag-usap kami about sa Godfather 2 na sobrang pinag-argumentuhan namin dahil sa detail ng pelikula...

Ngayon kapag di siya umiinom, gaya sa kasal at sa patay, di na niya ako pinapansin. Sabi nila di daw niya talaga kaya makipag-usap sa babae kasi nga sheltered siyang lalake. Office tapos bahay. Yun lang ang buhay niya at di siya gumigimik talaga. Yung mga inom lang sa bahay ang gimik niya. Ang circle of friends lang niya ay yung mga nasa bahay at noong college siya. No girlfriend since birth at malamang virgin pa ito. Di daw niya kaya manligaw, kaya niya lang daw magpa-inom.

Ano bang gagawin ko sa lalakeng ito? Sabi ng friend ko dapat ako na daw ang mga-step up since ako naman daw ang nakakaintindi ng situation niya. Walang mangyayari kung nag-iinuman lang kami. Oo nga naman. Magiging lumba-lumba lang ako.

Ano bang gagawin ko sa lalakeng ito? Alam ko namang may gusto siya sa akin. Kasi alam ng babae yun eh. Di sa pagiging Assumptionista ha, pero alam ng babae yang mga ganyan. Di lang talaga makalapit.  And may nagsabi na rin sa akin. Hay sus.

 Ano bang gagawin ko sa lalakeng ito? eh di ko kayang makipag-flirt. Siguro daanin na lang ito sa jack-ass na paraan. Parang yung pelikula na May Minamahal starring Aiko and Aga. Yung tinanong ni Aiko si Aga na kung may gusto ba talaga sa kanya or something...

Bahala na... 

posted by gengcooker at 14:14 | link | comments (1)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...