KAARTEHAN SA PAGSUSULAT
Kasi naman de bah. Girl ako kaya i'm entitled to that. Pero aside sa ayoko ng amoy ng aircon bus sa likod at ayoko ng nanlilimahid na tabo, maarte ako sa pagsusulat.
Medyo mahirap ito kasi if you work for a TV network hindi talaga biro ang deadline dahil ang kahihiyan mo ay kitang kita ng sambayanang Pilipino kapag di umere ang show mo dahil sa kaartehan mo sa pagsusulat. Sisante ka na. Blacklisted ka pa.
Sabi ni poodrahbel 'Writing is focus'. Sa dami ng iniisip mo at gumagana sa utak mo parang MTV channel ang iyong brain sa dami ng images na nagsu-surface. Di ba? Yung kisame, balat ng jowa mo, paa mo, then may naalala kang happy moments, yung daan, yung kanta sa radyo, yung tawa mo. Lahat yun may mental image. And if you begin to write, as in really write, kese hoda ano pa yang sinusulat mo, you just have to focus. It's a one way street man. Exert and focus then release. Sarap.
My focus comes in the form of a ballpen and paper. Hindi ako makasulat ng maayos kapag di maganda ang ballpen at papel. Di naman ako high end sa ballpen pero mas nakakasulat ako ng maayos kapag ang notebook ko ay yung composition notebook lang na ginagamit ng mga elementary. Yung akin dati ay si Astroboy tapos naubos siya at pinalitan ko ng another composition notebook na may drawing ni Lucy Van Pelt (ito yung character sa Peanuts na patay na patay kay Charlie Brown ata). Mas mabilis ang pick up ko sa interview at meeting kapag ganun ang notebook ko.
Another focus comes in the form of the seat. Since wala akong personal computer, mega internet cafe ako na minsan kalahating araw na andun pa rin ako.Kaya important ang upuan. Di ko ma-describe ang sensation. I think this is rooted to some hidden Freudian theory involving the buttocks to the brain. Gumagana at humihinto depende sa salumpuwit sa internet cafe. Ewan ko ba. Kaartehan yun eh.
Kasabay ng pagtubo ng tagyawat ko ang pagtapos ko ng mga writing assignments sa tagal ng pag-stay ko sa internet shop. Magastos. At hindi lahat ng upuan nakakapagbigay sa akin ng will power to finish my writing. There's this internet station sa timog, na kinagatan ako ng pakshet na surot sa likod akala ko ketong na sa laki ng swelling.
Right now, im sitting in a metal chair na maraming butas and the butas did the works. Di malaki at di masyado maliit. Just works for me.
Well, i think i'm gonna get a load of focus and start my career as a 'writer'. Hek-hek!
I bought a laptop.
Ang tagsibol ng kaisipan ay siya namang tagtuyot ng kalamnan.
Ang mahal ng laptop sa mundong ito. Peste!