*** gengki the newbie ***

Saturday, 30 September 2006

BLACK DAYS

Bukod sa fact na madilim talaga ang QC these past few days, medyo nagkaroon ako ng medyo mental black out din. Hay naku. Bakit ba nangyayari sa akin ito. Pero ok na rin, may ilaw na ang downtown Morato kaya ok nako. Hindi naman ako kabilang sa mga lupon ng mga tao nagpa-book sa hotel nang mag-black out sa Manila. Hindi ko talaga ma-gets. Punong puno ang mga hotel at kumita talaga sila these past few days. Ako naman, di pa ba kayo nasanay noong panahon ata ni FVR na everyday yata nagblack-out.

Buti na lang di ako maarte. Siyempre maarte ako paminsan pero hindi ako maarte na kelangan pang kumuha ng hotel. Di kasi ako pwede sa aircon ng matagal dahil sensitive ang ilong ko at lalong di ako pwede sa bentilador ng number 2- 3 mode dahil sisipunin agad ako. O di ba. Iyan ang isa sa mga quirks ko na only my real friends know.

Sa balay kasi ni Poodrahbel, di kami sinanay na may aircon at bentilador, dami kasi kami puno at kawayan kaya natural lang. Sabi pa niya noon na bamboos shield noise from outside. Si poodrah din ata ang nagsabi na in order to recycle carbon monoxide to oxygen, you have to have 100 trees at least for a specific meter of place. At kumusta naman? Meron kaming 100 trees sa bahay. Literal. Siyempre yung iba saplings, mga 40% yung actual trees. At alam namin lahat ang medicinal benefits niyan kasi si poorahbel ay isang agriculture major. haha. Kaya naman mukha siyang magsasaka.But then again madaming hyphen si poodrahbel, hindi pa pinauso ni Tim Yap yang mga hyphenates, sangkatutak na hyphen na si Poodrahbel. Di rin ako proud noh?

Kaming magkaka-housemate ay nagbonding sa bahay. Lahat di na pumasok, wala naman kasing official holiday sa line of work namin. Mag-preview sana ako nun. Walang kuryente. Walang magawa. Eh lahat puro bakla. So, isang malaking back to back to back na production number ito. Napansin ko na ang mga bakla talaga much revered sa kanila si Regine, Mariah and Lani Misalucha. For me? si Madame Barbra lang at si Chaka Khan ang pedestal ko sa biritan.

After ng musical production number labas kaming lahat para kumain. Di namin na anticipate na malakas pala ang Milenyo. Nagkanda close-open ng kusa ang payong na hiniram ko sa Moodrah ni Kitsi. Gudlak sa pagsoli. Wala pa kaming 5 steps away from the apartment nagsisigawan na kami sa lakas. Ano ba ito? Delubyo na ba? Baka may lumipad na baka na lang sa Morato. Buti na lang dumating si Katrina Halili--- as in FHM's sexiest woman, nagsiksikan kami sa van niya at hinatid niya kami sa isang motel na malapit kung saan kami kumain.

Busog. Mas busog sana kung nakikita ang kinakain. Andilim eh. Bumalik kami sa bahay ng basang basa. Nagpalit ako ng damit at on cue: nagtulugan lahat ng tao. Para kaming galing ng sagala't dinaanan ng ipo-ipo. Then bigla akong naging uneasy. Basa pala pati panty ko. Hayaan mo na fix nako eh.

Zzzzz... 

posted by gengcooker at 14:15 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...