BUMILI AKO NG INIDORO
Soft seat siya na inidoro. Hindi naman talaga siya inidoro na kagaya nung puti kung saan dumadaan ang ating dumi. Ito yung salumpuwit ng inidoro.
Napansin ko kasi na cold hearted ang inidoro namin dito sa bahay sa Morato. Puti. Matigas. Manipis. Malamig. Naisip ko kung maglalabas ka rin naman ng dumi or negative energies sa katawan mo sana batiin ka ng inidoro sa maligamgam na paraan. Hindi naman kelangan na magpa-piyesta at maghanda ng piging tuwing tatae ka pero ano ba naman yung may welcoming aura. Yung parang nakangiti, kalmado, may ningning sa mga mata at open arms na tatanggapin ang dalawang pisngi ng iyong puwit. Dahil sabi nga nila--- ang inidoro lang talaga ang matatawag mong trono.
Isa sa mga unang pinabasa sa akin ni Poorahbel noong ako ay nagdadalaga pa ay ang isang pambihirang nobela ni Mario Vargas Llosa na In Praise of the StepMother. Doon ako unang nakabasa ng isang buong chapter paukol lang sa pagdumi ng tao. Yung pre-production, production at post production mismo ng pagtae ng tao. At natuwa naman ako. Hindi ko naisip na may art pala ang defecation.
Ang sabi rin ng isa kong balahurang propesor noong college, 3 bagay lang daw ang masarap gawin sa mundo: umihi, makiapg-talik at tumae. Kanya nga naman sa tatlong human processes na ito pinaka personal para sa akin ang pagdumi. Para siyang form of meditation at pagpapasalamat sa Diyos na maswerte ka't may nailalabas ka dahil alam mong may pumapasok sa bibig mo.
Kaya gusto ko rin namang bigyang pugay ang aking mga puwit. Nawa'y sa pag-upo nito sana'y mayroong bumati sa kanya na walang halong malisya at pagnanasa gaya ng ginagawa madalas ng malilibog na lalake.
Gusto kong umupo siya na parang nakita ang isang kapatid sa industriya, magbatian at mag sabihang: Trabaho lang walang personalan...


Ito pala siya. O di ba may flowers pa. Hekhek