HETO...
Ay ang sakit sakit ng mata ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero ang sakit niya. Kanina galing ako sa isang taping ng isang pantanghaling telenovela para sa kapuso network. Ito ang tinatawag kong raket. Umaarte ako sa TV pero di naman ako excited na makita ang sarili ko sa TV kasi na realize ko na iba ang kurba ng likod ko. Ako ay kuba. Hindi ko alam kung paano ako naging kuba. Siguro kasi hindi ako mahilig uminom ng gatas pero kumakain naman ako ng mga pagkaing rich in calcium. Naiinis ako kasi kuba ako sa TV. Meron na rin namang nagtangkang ayusin ang aking likod dahil nga nag-slouch daw ako. Ewan ko feeling ko kasi kapag nag straighten up ako parang ang yabang ng dating ko. Eh ang tapang na nga ng mukha ko at mukha pa akong suplada at di pa ako palangiti so sa tingin ko kalabisan na yung masyadong straight ang likod.
Meron din pala akong 2 friend na out of the blue sinabi nila na meron silang nakikitang kulay green sa aking aura. Yung 2 kong friend na iyon ay marunong talaga magbasa ng parang something sa tao pero not necessarily fortune tellers sila. Ano ba ang ibig sabihin ng green? Pera? Marahil kasi nag-uumpisa na ako mag-save at for me malaking katuturan na sa akin iyon knowing me na isa akong gastador lalo na sa pagkain. Sabi naman ni Anne ang nakikita niyang green sa akin ay parang isang lugar na maraming greens at malamig pero walang snow. Hmmm... ako ba ay lalabas ng bansa? or pupunta lang sa UP Diliman para mag jogging? Ewan ko pero sana kung ano naman iyon... gusto ko lang ma surprise.
Kahapon may ginawang pictorial dito sa bahay namin. May pinasuot na skimpy red bikini ang mga kapitbahay kong bakla at ginawa nila akong mannequin. Nilagyan nila ng 3 klaseng kulot na wig ang buhok ko at pina-suot sa akin ang kulay pulang maillot na may krisis sa tela at spandex. Tada! Pwede na akong poster girl ng alak.
At siyempre natuwa sila sa akin kaya kung ano-anong posing ang ginawa ko sa bahay. Nariyang naka sandal, niroromansa ang ding ding, naka-harang sa pinto, kalahating ngiti at sumisilip sa butas, nakaliyad, nakatingin sa kawalan, nakadungaw sa bintana effect, nakahiga at kung anik anik pang posing na makikita lang sa mga magasin ng FHM. Paminsan talaga ibang klase rin ang mga pangyayari dito sa bahay namin. Kagila-gilalas!
Nag-enjoy naman ako pero ubod ng landi ang mga pose at parang iba pala ang feeling kapag nakita mong nakabuyang-yang ang sarili mo sa picture, eh di siyempre mas lalo na kung sa magasin de bah? Paano pag na sight ito ng tatlo kong kapatid na lalake? Pero siyempre di naman nila makikita iyon. Mabuti na rin for a time naka-experience ako ng ganito bago pa humulas ang katawan ko. Oy, pero di ako malandi ah at wala akong balak na mag boldstar at kabugin sila Angel Locsin, though for a time ninais kong i-try for a change sumali ng binibining pilipinas... Ito yung picture nung parang behind the scenes... haha. Kakahiya kung ipo-post ko yung actual pic na naka posing talaga.

Isang kilo ata ang bigat ng wig na yan. Sabi ni O ilagay ko daw iyan sa friendster pic ko. Hindi hoy. Baka pag nag reunion kami ng mga high school batchmates ko isipin nila na boldstar nako. At least naging ST star ako for a day kahit sa balay lang namin.
Trivia: Yung red na bikini ay sinuot na ni Katrina Halili sa pelikula niyang Gigil bago siya makipag-sex kay Alfred Vargas sa Boracay habang humahampas ang bagyo. Yung kapitbahay ko kasi ang AD nung pelikula kaya kinuha niya yung bathing shoot.