HAPPINESS
Kamakailan lang dahil na rin sa consumerist at capitalist na idea ng pag celebrate ng pasko, na naki-ride naman ako di ba?, 4 na dinner ang dinaluhan ko kasabay ang masasarap na pagkain, halakhakan at pagakin muli at halakhakan at pag dre-dress up para sa mga di miminsang piging na ito.
Unang beses ay sa BISTRO REMEDIOS sa Malate. Kasama ko dito si Paulie at Maryanet. Ang sarap lang ng pagkain at ang sarap lang ng feeling na magbibihis ka ng matino para sa mga kaibigan mo at hindi para mamingwit ng lalake. Inabot ng katakot takot na 800 ang binayaran ko sa restaurant na iyon. Ok lang naman sa akin kasi napaka sarap naman ng pagkain at kasama ko naman ang mga taong nakita akong namulaklak mula college hangga't ako ay nagtrabaho. Dahil late ang iba naming ka-dinner, dumiretso kami sa Starbucks upang makumpleto ang lintek na sticker para sa planner ni Maryanet. Dito sumunod si Shannyboo at si Chubibo. Masaya akong umuwi.
Matapos naman iyon ay isang dinner-dinneran sa mga kaklase ko nung college sa UST. Actually, natulog kami sa isang magarang hotel sa makati sa napaka-babang presyo dahil kay Bumper na isang empleyado sa naturang hotel. So dumaan kami sa buffet ng hotel at neg-estimate ng pagkain na umaabot sa 1,000++. Dahil ako ay sucker para sa masasarap na pagkain, go na go ako gumasta ng mahigit isang libo para sa isang sosyal na buffet pero siyempre buti na lang at binagsak ako sa realidad ni Bumper at sinabi niyang mas maraming mararating na masarap na pagkain ang isanglibo ko tutal nasa Makati naman kami. Kaya sa RECIPES Greenbelt ang bagsak namin.
Isa na namang piging ang nadaluhan ko nang gabing iyon, dahil napaka rami naming inorder. Ang sarap talaga kumain ng masasarap na pagkain. Mas masarap ito kapag hindi minamadali at nagkwe-kwentuhan lang.
Itong Pasko, aminin mo, nagsalo-salo kaming pamilya. Kaming anim. Kumpleto. Walang angsts. Masarap magluto ang moodrahbel ko ng spaghetti. Masarap na rin ka-kwentuhan ang mga magulang ko lalo na't alam nilang malalaki na ang mga anak nila at any monument ay mag-aasawa na ang iba. Masarap na sana kaso tulog ang gravy sauce ng manok. Pero natutuwa ako dahil unti-unti na rin kaming nagiging normal na pamilya... sa wakas. **sniff sniff** bwahaha
At kanina lang, kumain na naman kaming orgmates sa MOOMBA at nagkwentuhan ng nagkwentuhan ng walang humpay. Mas madami ang attendance ngayon ng ibang orgamates. Mabuti na lang at sa QC area ang dinner namin. Siyempre nag-dress up ulit ako. Sabi ko sa sarili ko, i'm going back to basics.
Back to basics. Naka palda lang. Paminsang high heels. Masarap na pagkain. Malutong na halakhak. Matinding asaran. Masasayang kaibigan.
Na discover ko na ang mga bagay na magpapasaya talaga sa akin. Iyon ang pagkain ng masasarap na pagkain kasama ang mga mahal mo sa buhay particulary ang mga kaibigan at pamilya mo.