*** gengki the newbie ***

Saturday, 27 January 2007

JETSET

Andito ako ngayon sa Baguio. Mag-isa at naghahanap ng lugar na maliliguan dahil di pa nga ako naliligo. Bukod sa paghahanap ko ng matinong banyo na siyempre may hot and cold shower, hinahanap ko din ang isang taong bigla na lang nawalan ng cellfone. Dito yan sa Baguio.

Hindi ko maintindihan kung naiinis ba ako o nafru-frustrate o dala lang ng mga hormonal changes dulot ng aking pagkababae. Andami kasi Koryano dito at hindi ako makasingit sa Station 168 (Baguio Branch) tapos mega search pa ako ng balay na mura (so, homeless person ako for the moment) kaya pag baba pa lang ng Victory Liner naramdaman ko na ang mga kunot sa noo ko. Siyempre voluntary reflex na naman yan ng katarayan ko.

Oiliness ang buhok ko. Meron pa akong tigyawat sa ilalim ng ilong na naghuhumiyaw sa nana. Meron talagang concentration camp ang mga pimples ko grabe and it's around my mouth area. Amoy  Piattos pa ang hininga ko. Ayan na naman, kunot noo na naman. Punyeta. Naiinis ako ngayon.

Yun lang. Ang gara ng buhay. Bwahakhak!

posted by gengcooker at 04:42 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...