JUST IN TIME
I feel blessed nowadays. Mansanas just told me that i still look exactly the same as i was in college but meatier like a tenderjuicy hotdog. She told me that she saw some of our old batchmates in college that didn't look the same as they were back then. I feel blessed because i know i am discreetly vain on how i look. I am very discreet with all things vain and womanly.
Hindi naman ako hulog ng langit sa mga kalalakihan. But you see, i am surrounded with beautiful people in college which are my friends up to now so i guess i became one. Haha. And it is true. What you gather around you is what you become. A very simple principle of mixing fresh tomatoes to rotten ones. O di ba, may mother nature basis. Though, for a time, i became ugly din because people who surround me 24/7 were ugly people too and right now they're in their ugliest state. So siyempre fly away ako doon dahil na realize ko na nagmukha na akong adik at sing gaspang na ng papel de liha ang bunganga ko. Ayoko ng pangit, ayoko ng marumi at ayoko ng masikip ika nga ni Maricel Soriano.
So apart from beautiful friends, siyempre hindi mo na rin i-let go ang sarili mo. Take care of yourself. Natutunan ko sa isa kong friend na bakla na dapat ay nagmo-moisturizer daw. So na discover ko ito noong early 20s ako--- hindi ko alam kung may epekto. Well, early 20's pa rin naman ako.
Yang mga seven signs of skin aging na yan. ewan ko. Hindi ko alam. Although isa ako sa mga unang bumili sa market nang unang lumabas iyan. at hindi ko siya feel. Ang bigat sa mukha para akong nag pahid ng graba, so itinigil ko kasi para akong may semento sa mukha di ba. Pero lately since back to basics ang theme ng life ko for 2007 (invent a theme for the year!). I went really back to basics. Ponds cold cream sa gabi habang nagche-check ng nightly news. Positive thoughts at running around ulit. O di ba napaka basic. Although yung friend ko ni recommend ako mag pa diamond peel pero i have yet to try that.
Hindi ko alam kung may epekto rin ang back to basics ko sa aking physical state pero emotionally meron kasi mas masaya ako at mas malutong ako tumawa. Speaking of the unphysical state, ang sarap pala ng mga kakornihang ligaw ano? Yung mga punyetang patext-text. Ako kasi, never ako naging fan ng mga pahangin ligaw sa text pero lately na appreciate ko na siya. Kasi kung cute naman siya di ba? Keri na yung text text.
And then naisip ko na naman muli, never pa pala ako nagkaroon ng normal relationship sa tanang ng buhay ko. Yung typical standardized Filipino relationship. Kunin ang number, magtextan: Kumain na u?, mag-date, mag-telebabad, mag-date ulit, after 2-3 months sagutin ang lalake, maghintayan, magsunduan, magbigayan ng regalo, gumimik magkasama, maghalikan patago, mag-motel sa anniversary, mabuntis at magpakasal.
Well, generally speaking ganyan ang alam kong shelf life ng mga pinoy when it comes to relationships, pero malay ko ba kung may iba nang set-up. or baka naman aggresive lang ako which i beg to disagree kasi never naman ako nahilig sa mga paglalandian sa opposite sex. At hindi pala ako marunong makipag-flirt sa lalake. Sa bar, pag may nakita akong lalake na type ko... ayun nakita ko lang siya. Pero wala na. Maglalasing na lang ako at tatawa ng tatawa tapos kapag lasing na talaga... para na lang akong flower pot... di na ako gagalaw. Isa rin yan sa principle of back to basics... super way back nga lang dahil panahon pa ni Jose Rizal ang back to basics na yun.
Pero aminin mo, nakakaganda ang mga giddy moments. So back to basics pa rin.