*** gengki the newbie ***

Monday, 05 March 2007

KAHIHIYAN! KAHIHIYAN!

Meron akong black eye.

Though hindi naman ako nasuntok sa mukha pero ang feeling ko ay parang may sumuntok sa akin gamit ang isang bato na mula pa sa Eastwood.

Paano ba naman? Nadulas kasi ako sa isang hip na restaurant sa Libis na pinamumugaran ng mga hip na tao habang ako ay naka suot ng hip na tube dress at wedge mules. Punyeta talaga. Kahihiyan talaga ang inabot ko.

Biruin mo, minsan lang ako magsuot ng buong moda tapos madudulas ka pa sa harapan ng mga mukhang Assumptionista, gimikero't gimikera na walang inisip kundi ang sumunod sa uso at magmukhang mayaman. Naka-dress tube ako gurl. Di miminsan ang nga ganitong pangyayari pero kung mangyari man ay tumotodo.

Tumama muna ang right tuhod ko then sabay bagsak ang right side ng head ko. May black eye tuloy ako sa right side ng mata na every now and then ay nagbabago ang kulay na parang shu uemura eye shadow. Slightly maikli ang suot ko kaya di ko alam kung may nakakita ng kuyukot ko nang ako'y bumagsak at tumihaya. 

Pero man, pagtayo ko na mala-Miriam Quiambao, naramdaman ko na sumusulong na ang mga dugo ko sa utak ko at di ko alam kung magwawala ba ako. Walang tumulong sa akin tumayo. Shock silang lahat.  Tumigil ang pag-nguya at pagpla-plastikan ng mga pakshet na taong nakakakita sa akin. At madaming madami sila, isama mo na yung nga nasa itaas na part. Ultimo ang mga waiter nakatingin sa akin at di alam ang gagawin. Mga punyetang yun. Para akong sinapak talaga dahil nahilo ako.  

Pero poise, tranquility, calmness, mother nature and sea side breeze ang bumalot sa katawan  ko. Hindi ako nagalit. Buti na lang walang tumawa or ngumisi ng kalahati. Dahil Diyos ko, patawarin talaga ako sa maari kong gawin kapag may nakita lang akong nakangiti. 

Inayos ko ang tube ko at nagpag-pag ng palda. Sinabi ko na lang na: Kuya, basa po dito. Pakipunasan na lang kasi baka madisgrasya yung iba.

Talaga namang bilib din ako sa sarili ko that night. Hindi ako nagalit. Mega apologize ang nga waiter, dun daw kasi dumaan ang kanilang dishwasher kanina kaya medyo basa.

Sabi ng friend ko bumalik daw ako dun at ipakita ko ang black eye. Mag-demanda daw ako and all that. Ako naman, keri na yun. At least napatunayan ko na hindi ako halimaw at may pagka- Dalai Lama pala ang arrive ko in hideous times like those. Bwahaha!

 

 

posted by gengcooker at 07:56 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...