*** gengki the newbie ***

Saturday, 17 March 2007

RAYMOND

2 or 3 days ago ata meron na naman akong na realize na mga bago sa sarili ko. Nakita ko ang level of topak ko at ang di miminsang pag sulong ng aking kakatwang pagkasarili.

Medyo makasarili kasi ako paminsan. Matapos ang pag-iisip ko kadalasan sa ibang tao na hindi namang halatang iniisip ko sila. Naisip kong mabuhay paminsan para sa sarili ko. Huwag ninyo ako pakialaman dahil ako lang ito.

Ganyan nga. Kasi noong bata pa ako madalas ako mag-isa. Loner baga. Nang tinuro ni Poodrahbel sa akin ang pagbabasa ng nobela lalo pa akong naging loner. Binasa ko minsan ng dalawang araw ang SIlence of the Lambs sa bubong namin habang kumakain ng manggang hilaw. Nahumaling ako sa TinTin Comics at binabasa ko siya sa sulok ng kama ng mga magulang ko. Naranasan ko na ring kumain ng sandwhich sa loob ng inidoro sa school noong ako ay Grade two sa St. Marys. Hindi ko alam kung bakit ko piniling maging ganun. Palibahasa'y mahiyain akong bata at medyo minulat ako ng aking moodrahbel na hindi naman ako kagandahang bata. Huhuhu...

Ok lang ang mga ganyan sabi ko. Magagamit ko rin lahat ng childhood angsts ko sa buhay. Kaya nga bata pa lang ako, inasam ko nang umarte sa entablado. Hindi lang umarte. Gusto ko na matapos ang play at lalabas ako mula doon at haharap ako sa tao na para akong mag-isa at papalakpakan nila ako. Palakpak at palakpak. Selfish pa rin. Pero alam mong ikaw lang ang makakaintindi ng ganoong moment. So loner ka pa rin.

Noon iyon.

Minsan na lang ang mga loner moments ko. Tipong iihi sa banyo mag-isa. Tipong manonood ng sine mag-isa.  Kakain mag-isa.

At ito pa ang hindi nila maintindihan sa akin. Bakit daw ako biglang tumatahimik na parang meron daw akong narinig na naka sakit sa akin. Wala iyon. Iyon ang mga sumpong loner moments ko. Bakit ba? Ano daw ba ang iniisip ko?

Ano nga ba ang iniisip ko? Usually iniisip ko na iwan ka na lang at di na magpakita. Pumatay ng tao. Budburan ng asin ang sugat mo. Dumura sa mataas na building at tignan sa mata ang maduraan ng laway ko. Iniisip ko isulat ang mga nangyari kasi parang magandang eksena sa isang one act play.

Yun lang naman. Iniisip ko lang naman iyon. Hindi ko pa naman siya ikikilos. Malamang ang huli pa ang gawin ko pero ang iba siguro marahil hindi na.

Huwag kang mag-aalala dahil hindi ko gagawin yung una kong naisip. Ganun lang talaga ako. Maarte ako eh.

posted by gengcooker at 03:10 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...