WHO STAGED SITUATION
Haha!
Kapag nangarap ka nga naman at nagising. Talagang tutuparin ni Lord ang mga hinaing ko habang ako'y nakatitig sa mga kahoy sa aming double deck. Sabi ko: Lord? Bakit wala akong magawa? Happy naman ako at nagigising ako araw-araw na kumpleto ang katawan at may diwa pero i need SOMETHING!
Gusto mo ng something ha? HETONG SOMETHING!
Yesterday I was scheduled to interview Ms. Rosa Rosal for our show at 10 am but my goodness gracious great balls of fire! 9:30AM na at nasa Morato pa rin ako samantalang Port Area Manila pa ang opisina ni Tita Rose. Napabili tuloy ako ng Iced Cafe Mocha sa Starbucks sa sobrang kapalpakan ng umpisa ng araw ko. This is the first time ever ata na mala-late ako sa isang interview at sa isang Magsaysay Awardee for Public Service ako sasablay. Sabi nga ng friend ko kung news daw ako chugi na ako.
Manaka naka naman at may hinostage pala sa Maynila at mega trapik ever. Siyempre pinag-papapiwasan na ako. I arrived at 10:40am with the most valid reason--- hostage taking situation. I saw Rosa Rosal dialing something on a fax machine and i introduced myself. I apologized hard, smiled often and told her about the Bus Hostage Taking of toddlers.
The moment i told her, she grabbed me by the arm and sashayed me inside a very posh Pajero with a REd Cross sign and told me to be with her ALL THE WAY.
Oh man, i feel like a journalist and a blood groupie.
So mega sirena and ambulance kami with all the Red Cross contingents. Si Tita Rosa Rosal naman dressed in blue swirled tunic with matching thick up there choker ay nagbaba ng bintana at mega sumesenyas sa mga dyip na padaaanin kami. Taray di ba? In full make up yan. So bawat daan namin amazed sila dahil its Rosa Rosal hogging it out in the streets of Manila.
Pagbaba namin ng SM Manila area napakadaming tao at napaka-init. Nasa likod lang ako ni Tita Rose na wishing and hoping na ma interview ko man lang siya kung paano siya naging artista at social worker pero hindi talaga keri dahil she was all blood curdled up by the hostage incident.
And then i realized i had a media ID.
So go ako between the police lines at medyo kebs ang mga pulis dahil kapuso ako eh at mukha pa akong reporter at times. So i head near the hostaged bus at chumika ng chumika sa mga tao doon. A Rexona moment kumbaga dahil mega bumubula na ang kili-kili ko sa pawis.
And then i realized this could be a scene from a movie or in a one act play. Datingan ang mga named people from media and politics. I felt like i was in a circus movie. Si Tita Rose composed pa rin pero di ko naman alam kung bakit andun siya unless may anemic sa mga bagets. It was like a frenzy and fiesta na kulang na lang ilabas ang mga lechon at magkas-kas ng yelo para sa halo-halo. Kanya kanyang haka-haka at gimik. Dadating si ganito na parang bihis savior of the day, break down ang mga moodraks ng mga bagets sa isang banda, mga ewang naka shades galore na akala mo may ganap at siyempre ang nag-iisang ako na feeling part ng news pero di naman talaga. This is so Pinoy!
So from 11am-2pm andun ako just to observe people and Rosa Rosal under the sweltering heat. Sabi ko baka ma heat stroke ako neto. At least nag sunblock ako for the day. Kinailangan ko nang tumakas dahil mag-cocomplain na ang balat ko. I have had enough showbiz for the day.
Wala namang mangyayaring masama eh. Mga Pilipino pa. Hindi naman tayo kasing baliw ng mga Amerikano.
Hindi naman kelangan ng mga taga news dun eh. Ako nga na taga-showbiz na predict ko na ang mangyayari. Sabi ko nga: its a who staged situation.