MONDO MAYNILA
Nung isang araw tumulong ako na mag PA sa pelikula ng aking boss. Sa Manila ang setting malapit sa Quiapo sa may tulay sa street ng Arlegui. Ito yung part na Quiapo na nagnanak-nak ng pirata ng mga DVD. Ito na nga yung Pirates of Arlegui at iba pa pala ito sa Pirates of Carriedo. Doon kasi sa part ng Carriedo medyo maayos pa pero dito sa Arlegui, ito na yung pwede talagang tawaging At World's End.
Sa isang compound ang shooting namin at dun mostly ang mga eksena. Pag pasok ko pa lang medyo kumunot na ang noo ko dahil ubod ng pangit ang lugar. Madaming ipis. Madaming pusa. Madaming uod. Madaming anay. Madaming batya. Madaming tao. Tapos umulan pa. Alam mo naman kapag umulan sa Manila, parang naglinis ng sewer system ang langit. Pangit na nga mas pinapangit pa.
Sa paghihintay ko sa mga eksena, nanood ako ng mga tao sa labas. Ngayon lang ako nakakita ng mga taong tambay. Authentic tambay. Hindi nga nag-iinuman eh. Tambay lang talaga. Walang magawa kundi chumika at umeksena sa gitna ng daan. Sabi ko sa sarili ko hindi ko kayang tumira sa ganitong community. Hindi naman naghihirap pero tengga to death lang talaga ang ganap. Mabuti pa nga siguro na magkaroon ng sakit balang araw na sa bawat pagtengga mo unti-unti ka na lang babawasan ng blood vessels sa reproductive organ. At least mabawasan ang populasyon ng mga stupido sa Pilipinas.
Sabi ng friend ko pinakadelikado daw sa quiapo ang area na pinag-shootingan namin. Daming adik daw at barilan sa kanto. Sumilip ka lang daw sa bintana baka mabaril ka na. A Cidade de Deus? Ikaw ba ito?
Isa pa sa mga issue ko ay ang mga lecheng puyetak na artista na yan. Dios mio, alam naman natin na ang pinaka madaling buhay sa isang shooting ay ang role ng artista. Tinatawag pa nga sila para magtrabaho eh, san ka naman nakakita ng ganun? O halika na do your job na please para maaga na kami makauwi at maglalaba pa kami. Tatawagin mo na lang yun para naman gawin na niya ang part niya aba't tinatamad pa. May isa pang bagets na artista na kung humirit ay tanga pa---- may karapatan na daw silang magsungit dahil 3am at pagod na. Ano iyon Time Space Warp ngayon din! Eh ano na lang kami rito? Kung pagod ka baka patay na kami't bumubula pa ang bibig.
Kaya hanggang ngayon mababa pa rin ang tingin ko sa mga TV stars eh though i would like to dispel that idea. It is so-called artists like those who make me cringe at my own face on TV.
Hay nako, 5am na at hulas na ng panahon ang mga tao sa pelikula. Mag shooting ka ba naman sa armpit of Manila. The state of our shooting location is directly proportional to local filmmaking.
Then naisip ko ugliness breeds contempt breeds self-destruction breeds more cockroach breeds a rare reproductive disease.