*** gengki the newbie ***

Monday, 16 July 2007

ANG IMPORTANSYA NG MALAMIG NA TUBIG

Yahoo!

Sa wakas nagkaroon na rin ako ng ref dito sa aking mumunting blue room. Na excite ako masyado sa idea na may maiinom na rin akong malamig na tubig araw araw. Kakahiya kasi kila omar. Nangangapitbahay pa ako para uminom ng tubig na malamig. Baka nakaka disturb na ako sa mga intimate moments nila bakla.

Siyempre mega groceria kami ni R dito sa may Shopwise sa Cubao. In fairness sa Shopwise, like ko na siya. Malaki ang parking space at libre pa kung bibili ka sa loob. Nagiging kapitbahay na namin ang Cubao--- Oh Cubao! Home of the Fiesta Carnival, COD Moving Magi, Bang Bang Ali, frequent call boys and holduppers. Naisama na rin ang Shopwise sa listahan at ang never ending Christmas Lights in summer. Makulay talaga ang Cubao and i so love it for its imperfection. Recently, sa Cubao ko na discover ang isa sa mga gay watering holes in QC.

Medyo madami ang aming nabili na mostly ay pagkain. Siyempre ako pa. May Koko Crunch at Cowhead na tandem. Bumili rin ako ng yogurt and pineapple juice for health and fitness purposes. Si R parang gusto ata magcarbo loading--- tinapay, San Miguel Strong Ice (wapak!), cheez wiz at Sky flakes. Bumili rin ako ng Spanish Sardines dahil di ko malimutan ang pinakain sa akin ni Juday last taping. Spanish Sardines on wheat bun with Cream Cheese. Medyo malabo ang kombinasyon pero swak pa rin sa kalamnan.

At ang pinakamasarap ay ang malamig na tubig galing sa aking purple na tumbler. Yes! Yes! Yes! I also bought an old candy favorite: Werthers Butter Caramel Candies!

Medyo lumalaki ako ngayon at lumilipas na ang aking payat stage. Ngayon lang ako nagkalaman kaya siguro ang tingin ng ibang tao ay mataba na daw ako. Though ako din hindi sanay sa extra deposits sa katawan but then ika ng ni Tyra Banks--- So what?

posted by gengcooker at 16:11 | link | comments (1)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...