EMO.. GALIT... EMO... GALIT...
Nagising ako at naisip ko na hindi pala ako madaling magpatawad. Gusto ko sanang mamuhay nang walang pangit na pangitain na lumalabas sa isang tao pero mahirap pala para sa akin. Hirap akong i apply sa buhay ko ang past is past lalo na kapag hindi maganda ang umpisa.
Si M ay kailan ko lang napatawad after 10 years. Pinagdasal ko na sana makalimutan ko na ang lahat ng nangyari at walang nangyari sa amin. Mahal ko siya at parte siya ng buhay ko, oo, pero napaka sensitive ko palang tao pag dating sa kanya. Hanggang ngayon kapag nire-recall ko ang past emotional status ko sa kanya--- nanginginig pa rin ang batok ko't napapaluha. Pero ngayon, kahit hindi niya alam ang nangyayaring kumbulsyon sa puso ko that time, ok na kami at mahal na mahal ko siya.
Si S ay isa sa mga pinaka despised kong tao simula nang magtrabaho ako. Gusto ko siyang ipapatay paminsan. Inabot ng 4-5 taon bago mawala sa isipan ko na sana matapilok siya't mabagok sa mata. Galit na galit ako sa kanya at dahil sa kanya na discover ko ang emotional range ng galit ko. Pero san ka naman ngayon... nakita ko siya muli sa premiere night ng movie at nginitian ko pa siya at pinagbentahan ng ticket.
Si A na lang at ang kanyang lupon ang so far pinagdadasal ko na sana turuan ako ng Diyos magpatawad. Madali kasi akong mabasa at desisyon ko na hindi maging accomodating na tao sa mga taong pinagdesisyunang kong hindi ko gusto--- isa na si A doon. Sabi nila its your decision not to like someone kasi we can always decide to scrape away what we don't like and focus on the likeable things. Ako, i chose not to do anything to like A.
Lahat ng mga tao yun ay may ugat ng pang-aapi from their part. Parang sa soap opera. At siyempre na-hurt ako pero hurt in all caps and bold fonts. Sa tanang ng buhay ko sila pa lang ang pinagtaniman ko ng sama ng loob at ginusto ko iyon kaya nga humihingi ako ng tulong sa Diyos na magpa-ulan ng forgiveness sa Morato. Sana dalawin din ako ni Buddha sa panaginip for enlightenment.
Masayahin akong tao, I swear, pero malupit rin pala ang pagdedesisyon ko para sa iba at ramdam nila yun. Aries kasi ako eh.. stubborn.