*** gengki the newbie ***

Tuesday, 21 October 2008

Nagtyatyaga

Ako, ayoko man aminin pero deep inside alam kong nakiki ride na lang ako. Nagtyatyaga. Wala naman akong magagawa dahil... ito na yun eh. Meron naman talagang choice na gawin pero WAG na lang kasi madaming masasaktan, mabubuwag, maiiyak, maiinis, manghihinayang at maloloka.

Sabi ko in four years pag wala pa ring nangyari at ganito pa rin ang sitwasyon, bibiyak na ako. Nakakasawa na. Nagkakaroon ako ng fatigue sa isang sitwasyon wala namang kahirap hirap pero nakakabagot... nakakapanliit at times... feeling ko by that time maliit na rin ang tingin ko sa sarili ko kasi siguro matanda na ako by that time. Ayoko ng ganun. Unti unti akong nagiging ampalaya. Kulubot. Mapait. Siguro i deserve that fate na rin pero may magagawa pa. Pwede namang maging maligaya, matanggal ang angst at this point in time. Iting sitwasyong ito ay di naman nakakaloka pero magagawan ng paraan kasi pera-pera lang naman iyan eh... madali namang palitan ang pera sa totoo lang...

Sa ngayon di ko masasabi kung nagsisi ba ako pero 70-30 ang ratio. Pinagsisihan ko ang sitwasyong pinasok ko. Sana.. sana.. sana.. masakit ang salitang sana pero sana naibabalik ang panahon.. pero ok na rin kasi may maganda namang naibunga.. gaya na lang ng anak ko.

Nakakalungkot dahil simula't sapul na nagtrabaho ako.. lagi na lang ako nasa safe side. May security net na dapat sasalo. May kulambong walang makakalapit na lamok. Basta maayos.

 Lagi na lang dapat nasa order.  Nakakatakot kasi baka kung kelan ako tumamda't may kulubot na saka ako magwala at basagin ang lahat ng order sa buhay ko. Capable pa naman ako ng mga ganung moments.

Harinawa'y patnubayan pa rin ako ng Diyos kapag sumapul na ang araw na iyon.

posted by gengcooker at 05:00 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...