|
*** gengki the newbie ***
|
|
Wednesday, 04 March 2009 Ang Taong Galit sa Thank YouAng taong galit sa Thank you ay di maganda.
Kasi ang salitang thank you ay positive vibe na binibigay mo sa mundo kaya pag bumalik sayo tanggal lahat ng pimples mo. Ang taong galit sa Thank you ay feeling prinsesa. Kasi lahat ng tao ay dapat mag-adjust sa oras at buhay niya. Akala nya lahat ng ginagawa mo ay para sa kanya. Ang Taong galit sa Thank you ay kunwaring nagpapayat pero nakaka-tatlong diet coke sa isang upuan. Ang tawag diyan malaking kalokohan. Ang Taong galit sa Thank you ay kelangan ipangalandakang mayaman siya. Sa paanong paraan? Ihambala ang mga sapatos, bag at relong sa laway pinaghirapan. Tse! Wala naman akong pakialam. Ang Taong galit sa Thank you ay gahaman. Dahil thank you na lang, ayaw pang bitawan. ** Kanina lang, merong humingi ng favor sa akin. Favor yun kasi it's supposed to be a special request dahil di ko naman trabaho at kelangan gawin ang ipapagawa niya. Go naman ako kasi madali lang naman. Nung hindi ko nagawa yung favor because of some complications medyo hindi ko nagustuhan ang tabas ng salita. Bakit daw ngayon ko lang sinabi na hindi ko nagawa... "Ay sorry, may buhay ako at di mo ako binayaran para gawin yun." bigkas ng aking inner self siyempre. Ipapagawa na lang daw niya sa iba. Toot toot. End of conversation. Hello? Hello? Ay yun na yun? Ateng, palimos naman ng Thank you. Sinubukan ko naman, hindi nga lang epektib at di ko na saklaw yun. Dahil diyan, salamat, user-friendly ka pala. |
This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me... |