*** gengki the newbie ***

Tuesday, 10 March 2009

These are a few of my favorite things...

I want to do this ala Oprah but since I am not Oprah ala Julie Andrews na lang.
Nabili ko lang sila this month but i am oh so fond of them



1. My gray and pink striped flats from Schu  which i bought for 700pesos. Mura na yan dahil usually 1,700 ang mga sapataos sa Schu. Mataray ang mga design ng sapatos. May character lahat kahit yung mga high heeled shoes nila. They're the most comfortable  flats i've ever stepped on. Pano ko ba nabili to? By accident Iang talaga: Initially, I bought a ' tablecloth sa canteen' inspired flats for 350 pesos feeling ko nakamura ako at gustong gusto ko yung design kasi very quirky pero sobrang dadanak ang dugo dahil sangkatutak na paltos ang inabot ng paa ko. Naglalakad tuloy ako sa mall na parang bagong CS. 

Sabi ko di ko na keri, bibili na lang ako ng tsinelas at para namang may Sunbeach sa Shang rila? Kaya napadaan ako sa Schu at sale naman kaya go, buti na lang at sweldo nung araw na yun. I'm gonna post some of my very cute and comfy Schu finds. Masarap sa paa ang Schu kahit high heels. Ka-level niya sa taray ng designs at comfyness ang mga sapatos sa Nine West. Pag suot ko 'to feeling ko anak ako ng mga Araneta!! Happy talaga ako dito.





2. My magic bibe toothbrush holder! Last year ko pa talaga ito nakikita at gustong gusto ko na siya bilhin. Isang taon ko hinintay na mag-sale ito sa Dimensione pero wiz. 230pesos pa rin siya noon hanggang ngayon. Pero pwede namang pumasa na 100 pesos lang. Mukha siyang pinagbabawal na laruan sa China pero iba ang tingin ko sa kanya. Nakakita rin ako ng ganitong tooth brush holder sa banyo ng dance teacher namin sa Peta. Aliw na aliw ako sa kanya. Parang bumabati ng good morning sunshine pag nakikita ko ito sa banyo namin. Ganado ako mag-tooth brush in fairness talaga. Tignan mo naka kindat pa sayo.






3. My "Japan Japan Sagot sa Kahirapan" notebook. Wag maliitin ang notebook na ito dahil may kamahalan ito. Last year ko pa siya nabili. Isa ito sa mga splurge sa buhay ko. Ang nagpapa-excite sa akin every time na makikita ko siya. Umabot ng 600 pesos ang notebook na ito. Sino ba namang feelingera ang bibili ng ganito kamahal na nokbuk eh naghihirap ang ilang Pilipino? Ako po yun. Maganda kasi siya. Nagso-soar ang damdamin ko nang makita ko ito at ang sabi ko sa kanya: " Akin ka lang!" Feeling ko dito ko isusulat ang mga sikreto ko sa kama... Ang lahat ng aking sexcapades... lahat ng kamisteryosohan ko sa buhay ay naka-limbag dito sa sosyal na nokbuk na ito. Hindi ko pa nagagamit yan at parang ayoko pa gamitin. Ang ganda pa ng design. Very Japanese vintage. Very Akira Kurosawa. Paminsan lang naman ako bumili bili ng mga ganito. Marunong na ako magtimpi ngayon.


posted by gengcooker at 08:52 | link | comments (4)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...