*** gengki the newbie ***

Friday, 27 March 2009

Nagdadalawang Isip ako...

Nakakita ako ng isang ad kung saan merong libreng writing workshop. Umilaw ang mata ko. Hehe. Exagerration lang. Bumilog ang mata ko nang makita ko ang ad na iyon. Kelangan daw gumawa ng screenplay.

Screenplay. Nakakkita na ako ng screenplay. Naka-print. Naka-fastener pa. Para siyang full length play na may kasamang koro, muse at mga taumbayan. Para siyang one whole bond paper na libro. Mabigat at nakaka intimidate basahin. Kasi parang nobela ang dating.

Yung kaibigan ko magdi-direk ng isang screenplay na ginawa ng kanyang friend. Nakisawsaw ako sa meeting nila at sinubukang basahin yung mala-librong screenplay--- tinamad ako. Siguro hindi agad nakuha ang atensyon ko. Siguro kasi nag-umpisa sa character na bakla. The usual funny remarks, the usual kabaklaan lines. Nagsawa na kasi ako sa mga baklang character sa pelikula. Parang sila na lang palagi ang may pinakamalaking isyu at conflict sa mundo ng pelikula. Nagsabugan din ang mga indie film na puro temang kabaklaan. Nauumay na ako. Para akong pinapakain ng empanada for 2 days.

Anyway, hindi naman tungkol ito sa mga bakla. Pero feeling ko para pa rin akong nasa loob ng closet. Ito yung napathalene balls effect. Feeling napthalene balls ako kasi andun lang ako sa loob ng closet.

Gusto ko sanang salihan ang workshop na iyon.  Pero parang kinakabahan ako na hindi ko alam. Una, kasi kilala ko yung magpapa-workshop at kilala rin niya ako pati ang style of writing ko. Hindi kaya umay na rin siya sa akin?  Sa totoo lang, kinakabahan ako't nageenjoy habang nagsusulat kasi sa totoo lang... hindi ko pa alam basically ang kakayahan ko sa pagsusulat creatively. Sa TV writing, nangangarag ako sa idea na kelangan kong bumuo ng isang linggong treatment pero kapag andun na yung mga dialogue para akong pokpok na bumubuka ang hita sa kahit sinong gusto kumangkang.

Pangalawa, na-iintimidate ako. Ayun. Di ko ma-explain pero parang binubully na di ko ma-gets. Nag-ugat ata ito sa Poodrahbel ko. Magaling na writer ang tatay ko with matching Palanca Awards pa. Sneior na siya sa Philippine Literature at colleague niya sila Rene Villanueva. Kainuman pa niya si Nick Joaquin bago pa siya mamatay. That level na siya. Takot akong ipakita sa kanya ang mga sinusulat ko noon kasi harsh siya magcomment. As in. Harsh. Ganyan ata talaga pag magaling.

Gusto ko sumali para matapos na.
Siguro mag-iinquire ako kung paano yung pasahan ng requirements bago ka mapili. Gusto ko may sense of anonymity pa rin ako para kapag nabasa niya kung ano man yung requirement na yun magugulat siya na ako pala ang nagsulat. Haha. Kilala niya kasi ako eh.

Sige. Tara. Magsulat na!






posted by gengcooker at 00:23 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...