*** gengki the newbie ***

Sunday, 05 April 2009

It's a wrap for MC. :-(

Hay.
Nalulungkot ako. After 3 years or so wala nang Marie Claire Philippines.
Ito pa naman ang isa sa pinaka favorite magazines ko locally. At kaloka pa dahil ang last cover girl nila ay isa sa mga paborito kong artista locally. I'm the type of magazine consumer who picks up the issue based on
1) Cover Girl  2)Content  3)Art Direction of the cover

Basically simple lang ang MC at wala masyadong art direction required. Hindi yung tipong may ethnic feel, futuristic, Mod-inspired etc. Basta picture lang ng cover girl nila na medium close up lang at puro topics. Sa kaso ng MC mas gusto ko ang content niya over the cover girl. Parang babaeng nag-iisip na di pabaya sa sarili ang nagbabasa ng magazine na ito. I think, correct me, this was the first mag ever to highlight common women baring their bodies nang walang kiyeme. It's all about bodies in general and not some stick thin idea that media has pounded on the public's brains. At dahil diyan, napatingin ako at napa-hmmmm,., may sustansya itong babasahin na ito at hindi lang pukihan. Makabili nga. Makalkal nga.



Magazine reader talaga ako. Favorite ko ang Time, Newsweek at Reader's Digest pero depende sa mga isyu at usapan. Dahil bibili ako.  At ako yung tipong taong maraming gusto malaman sa mundo. Pag may hindi naintindihang word tinitignan ko talaga sa dictionary kung ano ibig sabihin. Minsan nire-research ko pa sa internet ang topics related to it. Marie Claire gave me that. I fel that with every issue, i learned something. I also like the fact that they have this stand on the RH Bill and because of that mas marami pa akong nalaman about it to support the cause. Gusto ko rin ang mga pa-beauty ek ek nila doon kasi hindi pretentious, just enough for you to give a try and just be daring even for a day.  It truly is style and substance. Kaya nalungkot ako nang malaman kong mag clo-close shop na sila. Bakit kaya? Dahil ba sa recession? Dahil ba sa kakulangan ng papel? Hindi kumikita?



Speaking of magazines, I also read Preview kung gusto ko lang magpaka-fasyon to the max. Ito talaga para sa akin ang rurok ng fashion dahil walang patumanggang fashionista ang magazine na ito. Maganda pa ang mga art direction sa covers nila. I also read Rogue Magazine for its content kasi nakaka-loka din itong magazine na ito. It bites up in your ass. Ang talino ng writing. And if you appreciate photography, this is the mag for you. Nagbabasa din ako ng Good HouseKeeping magazine simula nung magka-anak  ako kasi maganda at nakakatulong sa buhay ang content though boring ang mga covers nila.

Hindi ko gusto ang local Cosmopolitan. Dahil walang ibang tinuro sa babae kundi makipag-sex, mag-blowjob, humingi ng oral action from their man, magpa-quiz nang magpa-quiz kung ikaw ba ay clingy or not. Pwede ba?!! Nagfe-feeling liberated. Akala nila ang mga babae sa Pilipinas ay walang ibang inisip kundi titi titi at kung paano mapasarap ang mga puke nila. Paano mo mai-aapply ang corkscrew type of blowjob sa buhay mo aber? O siya. Kelangan nating mag-sex pero hindi kelangan i-sampal sa mukha ko sa magazine na ganito ganyan tapos i-ano mo! Hay nako. Ewan ko ba. Hindi ako conservative ha... pero OA na kasi.  Tapos ang mga covers nila ay photoshop pa. (though lahat naman ata ng mags ay photoshopped na) Hindi ko papabasahin ang anak kong babae ng magazine na ito. Naiinis ako sa kanya. Kung gusto mo ng sex na babasahin, ayan ang FHM at Playboy.  Better yet maghanap ka ng lalake or kalabitin mo ang asawa mo't mag-sex kayo. I-discover niyo kung paano niyo ma-sasatisfy ang isa't isa through experience and not through this magazine.  Ayun.

posted by gengcooker at 16:12 | link | comments (5)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...