|
*** gengki the newbie ***
|
|
Monday, 13 April 2009 Kaganapan!Ok. Itong buong holy week ay wala akong ginawa. Hindi ako nagbakasyon or pumunta man lang sa beach. I was hoping for a holy week of writing pero hindi naman ako nakapagsulat or nakapag revise dahil ang head namin ay nakabakasyon mode during that time. Ako kasi itong atat magsulat pero sa tingin ko hindi rin ako makakapagsulat dahil andito sa bahay ang half of the clan ng asawa ko. Mega inasikaso sila and all tapos umuwi na lang kami sa bulacan come black saturday.
Black Saturday. Bukas na ang mga mall. May karapatan na maglakawatsa ang mga tao dahil patay ang Diyos ika nga on that day. Nanood kami ng sine ng mga college goodfellas ko. T2 yung kay Maricel Soriano. Hindi kagandahan pero mukhang maganda sa umpisa. Tawanan kami ng tawanan pag katapos. Naku, bossing ko pala ang nagsulat nun. Peace tayo kuya A. After namin magsine, pumunta kami sa Binondo at kumain sa isang authentic Chinese resto na may carinderia feel, this at around 12pm. Buhay pa ang mga pamilyang intsik that time. Parang kumakain lang sa Jollibee. Natutunan ko din na hindi magandang tawaging 'intsik' ang mga instik kasi parang tinawag mo daw silang mga Indio. So i'm sorry. Masarap ang pagkain sa WAI YING. Sa mga eskinita ng Binondo iyon matatagpuan. Tapos nun derecho kami inuman. Sarap uminom ng beer. Sa Anthology kami nag-nomohan. Andun kami malapit sa wall ng U2. I love U2 at nabalitaan ko ding pupunta ang U2 dito sa Manila. Punyetaaaaaaah!!! Pangarap ko makapanood ng live U2. Mahalikan si Bono at si Edge. Ubod ng mahal ang ticket. 10K daw. Paano kaya ito? Mahal ko talaga sila. Naku!! I'll reserve another blog for my U2 adoration. Tapos na ang holy week. Nagpadala na ng comments ang head ko at wala pa akong nare-revise. May 3 scripts pa akong hindi nagagawa dahil nalaman ko lang kamakailan na next week na pala ang taping nun. Tapos may mga meeting pa within this week. Hagard na naman. Tapos magbi-birthday pa pala ako. Parang puyat ata ako sa pagsusulat sa araw ng kaarawan ko. Magpla-plano pa ako ng outing. May acting chuva pa akong gagawin. Haaay. Sa ngayon, i just have to sit down and write. Minsan kasi pinakikiramdaman ko pa ang sarili ko bago ako makapagsulat. Ang daming ganap. Inuna ko pa talaga mag-blog bago magtrabaho. Just to get the motor running. Pero salamat sa Diyos at may ganap. |
This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me... |