*** gengki the newbie ***

Friday, 17 April 2009

Take me away Anawangin...



I am so looking forward to going here with guysts.

I need to have a birthday break dahil parang lumipas lang na ordinaryong araw ang birthday ko. Kelangan ko siyang i-celebrate dahil pumapasa pa rin akong 17 years old na tagyawatin. Thank God!
Ang dami kong sulatin that time pero i am not complaining. Parang regalo na rin sa akin iyon na naging suoer busy ako at puyat dahil may deadline ako ng script.

This is no ordinary beach trip dahil camping at luto ang effect dito. Walang nightlife. Walang mga petty girls in their teeny bikinis frolicking about... Che! Walang nagpupumilit na magmasahe. May tent lang. Inuman kayo habang nagmo-moon bathing. Mag-feeling cast away dahil I heard wala daw signal dito. Magpaka mystical kuning. Magpaka-Mother earth. Maging responsible at magtapon ng basura. Mag-sunbathe. Kung kaya, mag skinny dipping na rin. Maglaro ng patintero with your friends na malapit nang magtrenta. Magjogging ng naka paa sa beach. Maglaro ng charades sa buhangin. Magpicchur habang tumatalon. Magmuni-muni about your life and what makes you happy. Konting skimboarding dito. Matulog sa ilalim ng pine trees. Mag-hike na rin. And best of all ay mag back float at tignan ang walang katapusang wallpaper ng langit. Amen.

Test of friendship ito dahil magluluto kayo and all. I still have to write some scripts and wait for pending revisions. I have to memorize din a script pero kaunti lang yun. Kaya pag natapos ang lahat ng ito sobrang rewarding talaga ang feeling pag nagpunta ako dito.

I'll be planning a menu na hindi madaling mabulok at ayoko ng de lata pleeez....  Salamat kay Irene dahil nagbigay siya ng mga tips on how to go there and all. At salamat kay Mr. Jerome Sajise for taking this picture. It reminds me of U2's Joshua Tree album with ooomph.

Sana by tuesday libre nako sa lahat. Para maihanda na ito.
posted by gengcooker at 16:03 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...