|
*** gengki the newbie ***
|
|
Monday, 27 April 2009 Long Driving without a license..2 months na akong nagdri-drive under students permit. Wala namang nangyayaring masama sa akin sa awa ng Diyos. Though andami kong naririnig na horror stories sa driving lalo na dito sa Pilipinas with the perception na Filipino drivers are the worst drivers in the world. Hindi naman masyado. It should be that bus drivers are the worst lot of Filipino drivers in the Philippines. Most drivers here also have issues with space. They just don't respect space. Takot sa space. Kaya andaming chismosa kasi walang respeto sa space. Andaming space invaders sa mundo na hindi matatagpuan sa kalye. Siguro kung magsyota lang ang mga kotse walang nagtagal na relasyon dahil sasabihin nilang 'i need some space'. Chos.
Matic driver lang ako. Ayoko ng manual. Nakaka-stress siya. Ayoko ng stress gaya ng pagka-ayaw ni Maricel sa putik at masikip. Though mukhang astig kapag marunong ka ng manual but then again astig-ness is just image and projection so pwede siyang hologram. Haha. So ito na nga, nag-beach outing kami sa Batangas at dahil kulang ang budget, I had to drive my car while my R drives his own car while going to Batangas. Correction: Hindi kami mayaman ha. Nagkataon lang na sa murang halaga namin nabili ang mga kotse at 2nd hand sila. Nakarating naman kami ng Batangas in one piece at sobrang sakit ng ulo ko. Iyon kasi ang pinakamahabang drive na ginawa ko. Pauwi na kami at hindi ko pa masyadong gamay ang pag-overtake. Marahan lang ako mag-drive kaya nang mag-overtake ako sa isang mabagal na jeep malayo pa lang ay kita nang may makakasalubong akong tricycle. Naka-iwas ang mabilis na tricycle sa akin yun nga lang sumalpok siya sa isang tricycle na nakaparada. Kasalanan niya yun dahil hindi siya nag-menor kita naman niya sa malayo pa lang ay overtake ako. May kasalanan din ako dahil lane nila yun pero hindi naman ako bumulaga dahil malayo pa lang ay kita na nila ako. Itinabi ko ang sasakyan at iyon ang isa sa mga pagkakamali ko. Nakita nilang babae ako at ramdam ko na gusto nilang perahan ako. Wala namang casualty. Nalaglag lang ang naka-park na motor sa gilid. May isang lalake dun na may galos lang sa tuhod at nag-claim na hindi na daw siya makakapagtrabaho. Galos equals imbalido? Ako nga na CS! Babae ako pero di ako tangaaaah!!! Buti na lang bumalik ang asawa ko para makipag-areglo. Dahil pag may dumating na pulis talo ako dahil students permit lang ang hawak ako. Pina-alis na ako ng asawa ko at lumayo daw muna ako. Driving lesson learned: 1. Huwag mag-oovertake sa curb. 2. Kapag hindi ka naman nabangga huwag mong hihintuan at dumerecho ka na lang. So ok na. Pag dating naman namin sa toll gate ng SLEX. Nanahimik kami't nakapila bigla namang may blumagadag sa likod. Binangga kami. Lumabas ang nakabangga at susuray suray. Lasing ang lolo mo. Nagpakita pa ng baril. Dineadma na lang ng asawa ko dahil lasing nga at dahil nga wala ako license wala akong habol pa rin. Ako pa rin ang talo kahit ako ang naargabyado. Driving lesson learned: 1. Pagbinangga ka sa likod, huwag kang aandar para kita ang ebidensya. Stop at mag-hazard. 2. Kumuha na ng Non-Pro License para may laban ka! At nangyari ang lahat ng iyan all in one day. Driver na daw talaga ako. Realization: I hate SLEX. |
This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me... |