*** gengki the newbie ***

Saturday, 02 May 2009

Bakit ganun?

Bakit may mga taong mahilig manakit ng hayop? Nabasa ko kasi ang isang nag-uumapaw na galit blog ng isang ka-multiply ko about this certain guy from UP Diliman na nakapatay ng kuting sa UP premises. Hindi ko kinakaya na tinatalunan daw niya ang pusang kuting. Naiyak ako ng nalaman kong namatay pala ang pusang iyon. Lumaki kasi kaming  madaming pusa at aso sa bahay at love namin sila na tipong parte na ng pamilya. Kaya naiinis ako sa mga taong ang aarte na akala mo peste ang pusa; yung mga feeling nila mamatay sila matabihan lang sila ng pusa at aso. Nakuuuuuuuu!!!! Napupundi talaga ang utak ko. Oo nga pala, yung pusa namin sa bahay ngayon, si Sharona, buntis na pala kaya maghihintay na lang kami ng mga kuting! Yipeeee!

Bakit may mga taong aprub agad sa kanila ang pagkatao once na malaman nilang anak-mayaman? Nagka-kwentuhan kami ng isa sa mga kamag-anak ko, sa pamilya kasi nila halos lahat ng babaeng nagiging jowa ay hindi nila gusto. Kese hodang hindi maputi ang kutis; kese hodang may tattoo; marunong manigarilyo; independent living; hindi practicing Catholic; hindi Marian devotee at kung ano-ano pang label. Pero isang girl lang daw ang aprub sa kanila---yung Atenistang taga Ayala,Alabang Village na matangos ang hubog ng ilong at nagdri-drive ng CRV. Iyon. Iyon ang gusto nila at walang tanong tanong na ok ang babaeng iyon. Automatic yan. Plus na lang na mabait ang babae. Pero kapag ang girlfriend ay mabait naman, hindi naman kagandahan, morena at nagco-commute parang kelangan pa niyang patunayan ang sarili niya na OK siyang tao. Sa tingin ko, nag-uugat ito sa frusttration at colonial mentality. 


Bakit may mga taong inaasa sa anak ang kanilang financial responsibility? Ito talaga ang malaking tanong sa buhay ko. Ito talaga ang kinapipika ko. At sa mga middle class families pa nangyayari ito ha.  Ang sabi nung isa: kasi ganun talaga sila... hindi lahat ng tao ay kagaya mo. MALING-MALI!! Hindi gobyerno ang mga tao para hindi magawan ng paraan dahil lahat ng bagay may solusyon kung hahanapan mo lang.
posted by gengcooker at 14:34 | link | comments

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...