*** gengki the newbie ***

Tuesday, 16 June 2009

Raising Kids

I have two now.

Another is brewing in the oven so it's clearly confirmed. Andali dali magbuntis. Ang hirap magpalaki. I can't believe i have two already  and they're age gap is non existent since magkasunod na magkasunod nga.

How do you make a child like certain things say art, tennis, musicals, good food? parang ang hirap. How do you teach her not to talk back? Not to hold a grudge against you if you can't afford certain things in life? I can't remember how i was taught to like certain things but we had a very odd household. We were taught to speak English and Filipino sa bahay.  Ngayon ang mga bata parang ayaw na magsalita ng Tagalog, gusto lagi English speaking sila para kunwari anak mayaman. Ako noon maayos na ako mag-English kinder pa lang ako at pwede nang pumasang anak mayaman pero mas magaling ako mag-Filipino.

We feared our father because he can do mean karate on us.  Hay. Ako, Clueless pa rin. I don't know if i'll adhere sa pamamalo at pambubogbog like we had back then. Nabugbog na ako ng tatay ko lalo na ang mga kapatid kong lalake pero hindi naman sumama ang loob ko sa kanya at all. Siguro tampong bata lang pero hindi yung tipong scarred for life. I didn't turn out bad either. Di naman ako nalulong sa droga, though i tried it. Di naman ako nabuntis ng maaga. though i did try it, you know, pre marital sex.. So how? Just how? 

Paano ko sasabihin sa anak kong babae na huwag isuko ang virginity niya sa kung sinong lalakeng atat kumantot in the guise of true love kuning? Wala namang pinayo sa akin ang mga magulang ko noon about sex. Na devirginize naman ako sa tamang panahon. Malaking isyu talaga sa akin ang sex lalo na kapag babae ang anak.

Naalala ko nung unang beses ako makakita ng pototoy or sex organ ng lalake. Kinder age. Project 8 QC. Naglalaro kami ng mga kapitbahay ko ng baril barilan. Nagre-refill ako ng tubig para sa aking water gun. May tatlo akong kalarong lalake na humarap sa akin at yung isang nag-flash sa akin ng pototoy niya. Tawa sila ng tawa. Hindi ako natawa. Binaril ko yung mukha ng kalaro kong nagpakita ng pototoy. Sabi ko: Taya ka na! Sabay takbo. 

Ang mga bata ngayon, madaling maimpluwensiyahan. Ako naman noon, nung kabataan ko, hindi. Wala akong pakialam kung wala akong barbie at lahat sila meron. Wala rin akong pakialam kung ayaw nilang maglaro sa bundok dahil baka magalusan ang legs at hindi na pwede ilaban sa BB. Pilipinas. Paano ba naging ganito ang ugali ko? Gusto ko malaman. Ngayon parang lahat ng bata gusto si Miley Cyrus at si SpongeBob. Wala namang masama in liking kids' stuff but how do you differentiate yourself without feeling left out from your peers?

yun lang. ready naman ako kahit papano. Not sure how they would respond since they're totally different people from me. And we're in a totally different time now. We'll see.

****

Just wondering.
Sino bang nagbabasa ng blog ko? Dumadami yung hits pero i have no idea kung sinong nagbabasa.




posted by gengcooker at 02:02 | link | comments (2)

This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me...