|
*** gengki the newbie ***
|
|
Wednesday, 01 July 2009 Mga kagustuhan sa ngayon.Isang linggo din akong nakababad sa laptop ko. May ginagawa kasi akong script. Medyo sablay at madami revisions pero ok lang kasi nakakatuwa na marami akong bagong natutunang technique sa soap writing. Ngayon at patapos na siya at ginawan na ng paraan ni ser na matapos, marami na namang lumalabas na kati sa katawan ko na gusto ko gawin. Bilang natali nga ako ng isang linggo.
1. Manood ng sine. Tagal na ring di naka-experience ng sine feel. Medyo luxury na ang sine ngayon dahil magkano na? 170pesos isang tiket? Mahal na di ba? Kung kami ni R ang magkakasama 300 plus na yun plus pagkain plus gas. Kulang kulang na 1K kada labas ng bahay. Nabawasan na talaga ang panood ng sine simula nang magka-anak kami. Sayang kasi ang pera. Pero dahil i deserve it. Gusto ko manood ng sine. 2. Ipasyal si Musa. Tagal na rin naming di naipapasyal si Musashing. Observant pa naman siyang bata. Gusto ko sana sa mga parks. Naalibadbaran na ako sa dami ng tao sa mall lalo na sa SM Fairview. Parang lahat ng taga Bulacan andun. 3. Manood ng play. Shet. Virgin Labfest na ngayon. Gusto ko na talaga. Gusto ko mabuhayan ng dugo. Gusto ko rin makita ang old and usual faces from the theatre block. Atat na rin ako dalhin si Musa sa loob ng theatre. 4. Kumain sa isang bonggang buffet. Tipong Mario's tuwing Sunday or Spiral sa Sofitel. Natutuwa ako pagnakakakita ako ng masarap na pagkain. Euphoria naman ang feeling kapag natikman ko na at ubod pa ng sarap. Kaya ng kapag may pagkain at di ako nasarapan parang nalugmok ang buhay ko sa lungkot. 5. Gusto kong bumawi. Haha. Sana next week assignment ko ay di na mangamot ng ulo si kuya A. Ginulo ko ata ang buhay niya dahil sa treatment ko. 6. Gusto ko chumika sa mga friends. Ako talaga I make time for my friends. Ako ata ang laging nagyayaya na lumabas at kumain man lang. So far, yun lang. |
This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me... |