|
*** gengki the newbie ***
|
|
Tuesday, 21 July 2009 Mahabang bad trip.Di ba nga sabi ko dati gusto ko manood ng Virgin Labfest? So on a Saturday matapos ang mahabang paglagak ko sa upuan at isang linggong nag type ng iskrip hindi talaga pwedeng hindi ako lalabas at manonood ng plaaaaaaaayyyy!
Saturday yun at 2nd to the last day of the Labfest plays. Naka psyche talaga ako at all lights green going to CCP galing Fairview. Dinala muna namin si Musa sa Ciudad for some bonding time with the lolo and lola. Nagbihis ako. My yellow mustard dress with a nice cut out sa gilid ng arms for that added deconstruction feel plus the baby bump to boot. I feel so taray that night tapos pupunta ka pa sa THE Cultural Center of the Philippines doble taray talaga ang aura ko. 8pm ang start ng play around 7:30 andun na kami. Medyo kabado ako kasi alam ko dapat an hour before ka andun. Meeting of old people from my once theatre past. Beso dito beso dun plus small talk galore. Buntis ka? Yes. Ampayat mo! Hagard kasi. Dumerecho ako sa front of house at wala na daw ticket. Parang binanat ang mukha ko at nanigas ang tadyang ko. Wala na nga daw ticket. Umupo ako sa isang tabi. Nagnilay nilay with my yellow cut out dress. Unti unti ako binalutan ng inis. Sobrang inis. Taimtim na inis. Nagdikitan ang aking mga lips at andun lahat ng tension ko. Matigas na siya at pwede ko siyang ipambatok. Hindi makalapit si R sa akin dahil alam niyang siya ang may kasalanan ng lahat. Dahil sa kanya kaya kami na -late. Matagal ko nang inasam na makapasok ng Batute at manood ng stage play at ako'y nabigo. Galit na galit ako. Gusto kong manapak that night. Sa init ng ulo ko kulang na lang lagyan mo ng itlog ang ulo ko at makakaluto ng sunny side up. End of marriage na to! Gusto kong ibalik ang singsing ko sa kanya sa sobrang bad trip ko. Ganun ako ka-bad trip na para akong immature freak. Umalis na tayo. Bigkas ko ng may subtext na: Punyeta ka! Manood na lang daw kami ng Transformers. Hindi na ako umimik. Dumerecho ng Rob Place. Bad trip pa rin ako kaya nagpabili ako ng lalagyan ng mga sumbrero at jacket. Wala lang. Inis lang talaga. Binilhan naman ako. In fairness, naka hupa siya ng bad trip. Nanood kami ng Transformers. Sumakit ang ulo ko. Ampangit. Di ko gusto. Kalampagan ng kalampagan na parang happy new year lang at wala kang paputok. Bad trip pa rin kahit pauwi dahil literal na sumakit ang ulo ko dahil sa Transformers na yan. Ngayon tyaga na lang ako magbasa ng review ng labfest. |
This has been my sanctuary for four years already. It's my extension. Almost like a limb out in the open. Know that people want to express, to just chuck it out, to just be themselves even on something as artificial as blog. I am that people. So don't mind me... |