start your own blog now!
 
Read other blogs...

gengki the newbie

in the virgin forest i enter. gengki spanks and smites. love is all you need but then again i need chocolate too.

About me

Blogger:
What about me? I fart pungently. I breathe normally. I have pinhead love warts. I refuse to be broke. I like myself. I forget to brush my teeth at times. I miss my 25 inch waistline.

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

want

 

Counter

visited *loading* times

 
Tuesday, 21 October 2008

Nagtyatyaga

Ako, ayoko man aminin pero deep inside alam kong nakiki ride na lang ako. Nagtyatyaga. Wala naman akong magagawa dahil... ito na yun eh. Meron naman talagang choice na gawin pero WAG na lang kasi madaming masasaktan, mabubuwag, maiiyak, maiinis, manghihinayang at maloloka.

Sabi ko in four years pag wala pa ring nangyari at ganito pa rin ang sitwasyon, bibiyak na ako. Nakakasawa na. Nagkakaroon ako ng fatigue sa isang sitwasyon wala namang kahirap hirap pero nakakabagot... nakakapanliit at times... feeling ko by that time maliit na rin ang tingin ko sa sarili ko kasi siguro matanda na ako by that time. Ayoko ng ganun. Unti unti akong nagiging ampalaya. Kulubot. Mapait. Siguro i deserve that fate na rin pero may magagawa pa. Pwede namang maging maligaya, matanggal ang angst at this point in time. Iting sitwasyong ito ay di naman nakakaloka pero magagawan ng paraan kasi pera-pera lang naman iyan eh... madali namang palitan ang pera sa totoo lang...

Sa ngayon di ko masasabi kung nagsisi ba ako pero 70-30 ang ratio. Pinagsisihan ko ang sitwasyong pinasok ko. Sana.. sana.. sana.. masakit ang salitang sana pero sana naibabalik ang panahon.. pero ok na rin kasi may maganda namang naibunga.. gaya na lang ng anak ko.

Nakakalungkot dahil simula't sapul na nagtrabaho ako.. lagi na lang ako nasa safe side. May security net na dapat sasalo. May kulambong walang makakalapit na lamok. Basta maayos.

 Lagi na lang dapat nasa order.  Nakakatakot kasi baka kung kelan ako tumamda't may kulubot na saka ako magwala at basagin ang lahat ng order sa buhay ko. Capable pa naman ako ng mga ganung moments.

Harinawa'y patnubayan pa rin ako ng Diyos kapag sumapul na ang araw na iyon.

posted by: gengcooker at 07:00 | link | comments |

Wednesday, 06 August 2008

ON MONEY AND PARENTS

I think it was late for us to do some shopping for the baby. 8 months na ata ako at ngayon lang kami na excite tumingin ng gamit and maybe by the end of this month i could have given birth already or maybe a bit later. Medyo panic buying lang dahil we blew 5  figures just for the basic necessities... wala pang feeding bottles yan at bulak. Nagpamahal talaga dun yung trolley... ok lang... it was the baby trolley i had hoped for dahil pwede na siyang bahayan ni Dagul.

Gastos! gastos! gastos!

Magastos talaga magluwal ng isa na namang nilalang sa mundo. Mega kayod talaga this time. Wala nang pabanjing banjing at medyo i-etsepwera na ang mga  "will this make me happy" thoughts sa trabaho. Medyo lang... konti lang naman. Bawasan ng konti ang angsts sa trabaho para maging masaya. Just imagine the costs of giving birth, pediatrician, diapers and the milk! Punyetang mga gatas yan 300 plus ang iba. Buti na lang may gatas ng ina kaya dapat talaga isub-sob ni Kris Aquino or ni Sharon Cuneta ang mga boobs nila sa boob tube to promote breastfeeding.

Frustrations! Frustrations! Frustrations!

Ako kasi naniniwala ako na kapag nag-anak anak ka kese hodang labing anim yan, responsibilidad mo yan. Huwag kang mag-aanak ng di mo kayang alagaan emotionally and financially. To put it vaguely, di ako sang ayon na ipapasa mo sa anak mo ang mga responsibilities mo as a parent with the exception of course kung:

a. patay ka na

b.  sira ulo mo (as in nasa mental ha)

c. baldado ka (minsan nga keri pa rin!)

d. matanda ka na't di mo na talaga kering magbanat ng buto.

Kung maayos pa ang tuhod mo, di ka naman nagve-vertigo kapag tumtayo ka at kumpleto pa ang katawan mo, aba! Magtrabaho at huwag ipasa sa iba lalong lalo na sa mga anak. Usually sa panganay yang ganyang dilemma eh. Ok naman talaga ang mag bigay sa magulang at tumulong let's say 70-30, 70 percent sayo, pero hindi naman lahat na lang ikaw at ikaw lang lalo na't alam mong kaya pa nila magtinda man lang ng tocino or maging avon lady.

Side bar lang: Kaya itong isyu na ayaw ng catholic church ang artificial contraceptives... hay nako...mas kasalanan ata ang mag-anak ng mag-anak at hahayaan mo na lang magtinda ng katawan, atay, kapwa tao, shabu, rugby at sampaguita at matuwa na lang sa sitwasyon nilang hirap at walang maabot sa buhay? Aba't hindi siya nakatulong, nakalala pa siya. Tapos ayaw bigyan ng host yung mga gumawa bill... puh leeez....ano ba ang host? Bribe? Pag di ka nag host di ka pupunta sa langit at masusunog ka sa impyerno? Sabi nga ni poodrahkels... hindi lahat ng pumupunta sa talyer ay nagiging mekaniko.     

Ok, balik tayo:I saw this 65 year old woman in a TV docu who had 5 menial jobs that earned her 900 pesos a day! San ka naman dun? Di daw siya titigil na magtrabaho hangga't hindi nakakagraduate ng college ang anak niya and pag naka graduate na daw eh di baka mag-isa  o dalawang trabaho na lang siya to sustain herself at the least.  Now where does she get that spirit?  I salute this woman. Mas marangal pa siya sa ibang congressman at pulis patola. May iba kasi na maka-graduate lang ang isang anak titigil na magtrabaho at hahayaan na yung naka graduate na tumustos dun sa mga natira pa. O sige ikaw na bahala sa aming lahat ha pagod na kami eh mag-cross stitch na lang ako sa bahay... gudluck na lang sayo. It's like asking your child to pay you back. Pinag-aral kita para kumita ka para sa amin. 

I'm just lucky my parents never obliged or even pressured me to contribute financially and they just let me be whatever i want to be. Hindi naman kami yung tipong... Ma, i want to study in France! Ok anak, here's your ticket! They didn't secretly impose financial burdens even after i graduated which I think contributes to my happy sways in life. Iba na kasi kapag in your 20-ish years at kagra-graduate mo lang may feeling na "dapat kumita ng malaki!". I think it should be more na "dapat mag enjoy at explore and then kumita" para mas less ang angst at mas maging productive citizens. Gumawa ba ng sariling theory? hehehe 

When i got out of school, i still had 2 brothers in college, my Mom retired already and my Dad has always had writing rakets. It wasn't the usual salary they had when they were at their prime but they had always found means to sustain my two brothers, put food on the table and even buy a new computer and DVD player. My mom in her 50's even wanted to apply in a nearby call center just to make the financial blanket wider when she could have asked me and my kuya some money but no, she was the mother in her household and she had to step up. Bilib din ako sa mudraks ko eh. 

My point is... i am just frustrated at some things around me that somehow... will affect me. Oh dear.

posted by: gengcooker at 19:51 | link | comments (2) |